ISANG masaya at ma-lungkot na pangyayari ang dumating sa buhay ni Bea Alonzo nitong 17th birthday niya (Oct. 17.).
Masaya dahil napaka-fruitful pa rin ng showbiz career niya, at nagkaroon siya ng panibagong kontrata sa Porsche girls apparel. Pangalawang taon na ngayon ni Bea bilang endorser ng Porsche Jeans.
Malungkot dahil, nakabanggaan ng kanyang mo-ther ang ka-love team ni-yang si John Lloyd Cruz.
Balitang may nasabi raw si John sa isang interview sa kanya tungkol kay Bea na naka-offend sa mother ng young actress. Kaya nang makita raw ng mother ni Bea si John, ina-way nito ang young actor. Resulta, hindi raw dumalo si John sa birthday party ni Bea noong Oct. 16 sa Ratsky at nagpasabi na lang itong nag-out-of-town.
May ilang birthday wishes si Bea, pero ang pinakamahalaga sa kanya sana raw, sa kabila ng hectic schedules niya sa showbiz, ay makapagtapos siya ng college. Sa ngayon ay nasa 2nd year highschool lang siya.
By the way, sa tanong kung bakit sa dami ng ini-aalok sa kanyang mga kasuotan para i-endorso, Porsche Jeans ang kanyang napili, sagot ni Bea: "Fit na fit kasi sa akin ang Porsche. Sa mga damit nito, puwedeng-puwede akong ma-ging fashionista. All I have to do is add some accessories, baguhin nang konti ang hairstyle at 'yun na… parang magic."
Source: Taliba, Oct 21 2004
Article by: Butch Roldan
Submitted by: Peachy
Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.