Last Saturday, October 16, nag-celebrate si Bea Alonzo ng kanyang 17th birthday sa Ratsky Morato. Simple lang ang naturang celebration. Para lang sa pamilya, kaibigan at katrabaho ni Bea.
Actually, ayaw na sanang mag-celebrate ng birthday si Bea. Aniya, ilalaan na lang daw niya sa 18th birthday niya. Pero dahil sa pangungumbinsi ng manager niyang si Archie Ilagan, napapayag din ang teen actress.
Nakisaya sa nasabing party sina John Prats, Shaina Magdayao, Nikki Valdez, Baron Geisler, Mico Palanca, Marco Alcaraz, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Jean Garcia, Gardo Versoza, China Cojuangco, Victor Neri, Raphael Martinez, Olivia Daytia at iba pa.
Ang mga director na nakatrabaho ni Bea na sina Lauren Dyogi, Don Cuaresma at Gilbert Perez. Dumating din ang buong staff ng It Might Be You.
In full force naman ang Star Cinema headed by Tess Fuentes and Roxy Liquigan.
Nakisaya rin ang mga owner ng Porsche Jeans & Shirts, Kara Nina, Outland Footwear at Karimadon, mga produktong ini-endorse ni Bea.
Hindi nakarating si John Lloyd Cruz dahil may commitment ito sa Davao City.
That night, excited si Bea dahil today ay ang first shooting day ng movie nila ni Piolo Pascual under Star Cinema. Si Gilbert Perez ang magdidirek ng pelikula.
"I have nothing much to wish for," sabi ng magandang teen actress. "I just want my family and friends to be there for me always. Plus my fans na hindi nagsasawang suportahan ako. Gusto ko lang na lahat ng mga taong mahal ko, masaya."
Source: Pilipino Star, Oct 20 2004
Article by: ITO ANG L8ST NGAYON! Ni Eric John Salut
Submitted by: Peachy
Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.