Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Teleserye Mag: Mga Bulong sa Hangin
Oct. 10, 2004

Painit na nang painit ang labanang San Carlos at Trinidad. Nagkaroon na ng bombahan. May mga buhay nang nabuwis. At nawawalan na ng pag-asa sina Lawrence at Cielo na maipaglaban pa nila ang kanilang pagmamahalan sa gitna ng lahat ng ito.

What’s in store now for Cielo and Lawrence? At ano ang binabalak ng magkabilang kampo? If you can read their thoughts now, you’ll have a clue at maiintindihan n’yo ang mga susunod nilang kilos.

May mga damdaming mahirap arukin. May mga matang kayhirap masalamin ng ibig ipahiwatig. At may mga nilalang na sa halip na ibulas ang nilalaman ng puso at isip ay ibinubulong na lang sa hangin…

Cielo
Patay na si Tatay Eseng. Hindi ko man lang siya nadatnang buhay. Ang masakit, kasama ko nang sandaling iyon si Lawrence, anak ng pinagbibintangan nilang may kagagawan ng pagkamatay ng tatay ko.

Matagal ko nang alam ang kasamaan ni Dra. Frida. Pero pagkatapos lahat ng ginawa niya, ano ba ang patunay ang kailangan ko para tanggapin na hindi talaga kami puwedeng magpatuloy ni Lawrence sa aming pagmamahalan hangga’t hindi naaayos ang gusot ng matatanda? Pero malabong magkaayos pa sila. Masyadong malaki na ang galit ng bawat isa.

At ngayon, ipinagpipilitan sa akin ni Tiyo Camilo si Axel. Pero hindi ko siyang kayang mahalin. Si Lawrence pa rin ang isinisigaw ng puso ko.

Lawrence
Bkit gano’n? Kung kailan ko tinalikuran ko ang babaing kinikilala kong ina para ipaglaban ang pag-iibigan namin ni Cielo, saka naman siya ang sumuko.

Pero naiintindihan ko si Cielo sa desisyon niya matapos siyang dukutin ni Mommy. Kilala ko si Mommy, hindi niya titigilan ang mga kaaway niya hangga’t hindi siya nagwawagi.

Pero paano na kami ni Cielo? Paano na ang mga pangako namin sa isa’t isa? Nasa akin pa ang singsing na ibinigay niyang buung-buo bilang simbolo ng pagmamahal niya? Tama bang isipin kong may pag-asa pa kami habang nasa akin ang singsing? O magsisilbi na lang ba itong alaala ng isang pag-iibigan na hindi nagtagumpay?

Cara
Nang dumating kami nina Inang sa Montegracia, iisa lang ang gusto namin: ang alamin ang nangyari sa anak niya na akala niya’y napatay ni Dra. Frida. Hindi namin alam na magkakagulo nang ganito. Ngayon ay nagkakamatayan na. Pati ang mga walang malay nadadamay.

Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o magsisi na sumama ako rito. Masaya ako at nakatulong kahit papaano kay Inang, kahit ang naging kapalit niyon ay ang buhay ni Kuya Joaquin. Masaya ako lalo at nakilala ko si Gian. Pero nasa magkabilang kampo na kami, at kagaya nila Cielo at Kuya Lawrence, bawal makipagkita at magmahal ng alagad ng kaaway.

Frida
Hindi ako makapapayag na maging masaya si Orlanda! Hindi niya dapat malaman na kasama na niya sa iisang bubong ang anak niya. Gagawin ko ang lahat…handa akong halikan ang kaaway ko huwag lang magtagumpay si Orlanda sa paghahanap niya sa anak nila Ernesto. Not even death, nor a life sentence, can stop me from doing that!

Axel
Hindi ko alam kung ano’ng meron si Trinidad at siya ang minahal ni Cielo. Kung ang estado sana namin ngayon ay kagaya noon – ako na pinalaki ng inang lasengga laban kay Lawrence na anak ng mayor ng Montegracia -- maiintindihan ko.

Pero nag-iba na ang sitwasyon mula nang magtagpo kami ng ama ko at tanggapin niya ako bilang anak. Higit na may kakayahan ako ngayon kaysa kay Lawrence. At hindi ako mangingiming gamitan ang pribilehiyong ito mahalin lang ako ni Cielo.

Orlanda
Buhay raw ang anak ko. Kailangan ko siyang hanapin. Pero saan? Paano? At bakit tuwing malapit na ako sa katotohanan, may humahadlang sa akin? Pero hindi nila ako mapatitigil sa paghahanap.

Totoo, bunga siya ng pagsasamantala sa akin ni Ernesto. Pero dugo at laman ko pa rin siya… at mahal na mahal ko siya kahit sandali ko lang siyang nakasama noong baby pa siya. Hindi ko pa siya kilala sa ngayon pero oatuloy akong maghahanap hanggang makita at mayakap ko an aking anak.

Lupe
Pinatay ni Frida ang asawa ko. Kailangan kong ilayo si Cielo kay Lawrence. Ayokong magkatuluyan sila ng anak ng kriminal na pumatay kay Esend! Habang si Lawrence ay isang Trinidad, hindi ako papayag na magkalapit uli sila ng anak ko!

Gian
Nagkawatak-watak ang mga Trinidad. Pero hindi ko masisi si Tito Ernesto kung bakit siya humiwalay, at si Kuya Lawrence sa pagtalikod niya sa mommy niya.

Ako man, mas gugustuhin kong maghirap at malayang magmahal kaysa humiga sa yaman pero hindi ko man lang malapitan ang babaing mahal ko.

Si Cara… kung pwede lang ilayo ko siya sa kaguluhang ito. Pero hindi pa napapanahon. Makapaghihintay ang pagmamahalan namin. Kailangan pa ako ng pamilya ko nina Tito Ernesto at Kuya Lawrence.

Ernesto
Kasalanan ko ang lahat nang ito. Kung hindi ako nagpatangay noon sa aking damdamin… kung hindi ko pinagsamantalahan ang kahinaan ni Orlanda… Pero nagawa ko lang naman ‘yon dahil mahal na mahal ko siya. Matagal ko nang pinagsisihan ‘yon. Kung may magagawa lamang ako para makabayad ako sa mga kasalanan ko sa kanya…

The least I can do now is to help her look for our child. I’d sacrifice anything… At pag nahanap ko na siya, mamahalin ko siya nang kagaya ng pagmamahal na ibinuhos ko kay Lawrence. O higit pa…

At si Lawrence…Ipinagtapat na ni Frida ang totoo tungkol sa kanya. But it doesn’t change anything. He’ll always be my son, ang I’ll always be a father to him.

Camilo
Hindi dapat malaman ni Orlanda na si Cielo ang totoong anak niya. Gagawin ko ang lahat para hindi sila magkalapit at magkakilalang mag-ina. Hindi ko ipapahintulot na agawin si Orlanda sa akin ng anak ni Ernesto. Kung kailangan kong patayin si Cielo… pero hindi… kailangan ko siya. Pasalamat siya at mahal siya ng anak ng presidente. Magagamit ko pa siya para sa aking mga plano!

Article by: Bing I. Castro
Source: Teleserye Mag, Sept 15-Oct 14 2004 issue

Submitted by: Emilie




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.