Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Teleserye Mag: Ang Mga Lalaki sa Buhay ni Cielo
Oct. 10, 2004

Pinakamahirap sa isang babae ang maipit sa pagitan ng dalawang pag-ibig lalo na kung halos timbang lang ang ang katayuan nila sa kanyang puso. Nasa ganitong dillema si Cielo, at sino kina Lawrence at Axel ang sasabihan niya ng it might be you…

Walang lalaki na hindi maghahangad na mahalin ng isang Cielo San Carlos. Sabi nga, titig pa lang daw ni Cielo, para nang tumama sa lotto. Kaya naman sina Lawrence at Axel, ginagawa ang lahat para lang makuha ang pagtingin ng pinakamagandang dilag sa Montegracia.

Bilang presidential son, malaki ang pinagbago ni Axel. May sariling mga kotse at bodyguards, matikas manamit, sikat. Enough reasons para maggyabang. But so far, he’s been acting like a perfect gentleman around Cielo and the San Carloses.

Does his presence pose a threat to Lawrence?

If we remember right, noong high school pa lang sila, parang palaging umuusok ang bumbunan ni Lawrence pag umaali-aligid si Axel kay Cielo. Hindi siya napapakali. Hindi nga ba’t biglang nag-propose si Lawrence kay Cielo dahil natakot na maunahan siya ni Axel?

Ngayong tumitindi ang labanan ng mga Trinidad at San Carlos, lumalabo ang pag-iibigang Lawrence at Cielo, lalo na at lumabas na na mas gusto ni Tiyo Camil ang presidential son para sa kanyang pamangkin.

How do Lawrence and Axel feel about these? At sino sa kanila ang mas karapat-dapat para kay Cielo? Let them do the talking.

Si Lawrence, Ang Sobrang Hopeless Romantic

Who is Cielo to you?
She’s my best friend and my one great love.

Ano ang nasa isip mo pag kasama mo si Cielo?
Dandelions! Feeling ko, punung-puno ang dandelions sa paligid pag kasama ko si Cielo, and that they’re there to grant our every wish.

Anong bagay ang nagpapaalala sa iyo kay Cielo?
Marami…ang singsing, white roses, message in a bottle, scrapbook. Bago pa naging kami ni Cielo, at mula pagkabata, best friends na kami.

Kasama ko siya sa halos lahat nang importantend bagay na nangyari sa akin, kaya kahit maliliit na bagay lang naaalala ko na siya. Baka dapat ang tanong, anong bagay ang hindi nagpapaalala sa akin kay Cielo.

How would you like Cielo to remember you?
As Kulit. Siya naman si Sungit!

Anong bagay ang nagawa mo kay Cielo na pinagsisihan mo?
Ilang beses ko na rin siyang nasaktan. ‘Yung mga panahon na hindi ko siya pinaglaban lalo na sa Mom ko. Mga bata pa kami noon pero pinagsisihan ko ‘yun…

If you can turn back the hands of time, which part of the past would you go back to?
‘Yung ilang araw na nag-stay kami sa bahay ni Lola Juanita sa bundok kung saan malayo kami sa kaguluhan ng aming mga pamilya.

Ano ang biggest wish mo?
Sana magkabati na ang mga pamilya namin para maging malaya na kami sa pag-iibigan ni Cielo. At sana huwag maubos ang dandelions para matupad lahat nang wish namin ni Cielo!

Does Axel intimidate you?
Of course not! Just because he’s the son of the president! Totoo, dating mayor lang ang Dad ko at ni hindi man lang siya nanalo sa pagkagobernador. Pero hindi political status ng pamilya ang basehan ng pagmamahal. Nakasisiguro akong ako lang ang mahal ni Cielo.

* * * * * * * * * *

Si Axel, Ang Presidential Son Na Pasaway

Who is Cielo to you?
Si Cielo ang nag-inspire sa akin na maging mabuting tao. Kung hindi dahil sa kanya, baka pasaway pa rin ako hanggang ngayon at hindi natanggap ng aking ama.

Ano’ng nasa isip mo pag kasama mo si Cielo?
Iniisip ko na sana hindi nagmamatyag si Lawrence sa paligid. Baka kasi sumugod na naman at suntukin ako!

Anong bagay ang nagpapaalala sa iyo kay Cielo?
Panyo. Palagi ko kasi siyang nadadatnang umiiyak. At palaging ako ang nag-aabot ng panyo sa kanya.

Anong pinakamaganda mong memory na kasama si Cielo?
Pagkatapos ng graduation high school graduation namin, nagdala kami ng nanay ko ng pagkain sa sinehan nina Cielo. Nagpaalaman kami nang araw na ‘yun. Binigyan ko siya ng panyo bilang regalo. Pero ang di ko makalimutan, isinuot niya ang bracelet na matagal ko nang bigay sa kanya. Nabuhayan ako ng loob na balang araw, baka magkaroon ng pag-asang mahalin din niya ako…

How would you like Cielo to remember you?
Si Axel, tagaabot ng panyo. Pero sana higit pa r’yan.

Anong bagay ang nagawa mo kay Cielo na pinagsisihan mo?
Noong high school kami, palagi naming inaasar si Cielo ng mga kabarkada ko. Naiiyak siya no’n sa galit. Tinawag ko pa siyang amasona. Pag nakikita ko siya ngayon, hindi ako makapaniwalang tinawag ko siyang gano’n dati!

If you can turn back the hands of time, which part of the past would you go back to?
Babalikan ko ‘yung time noong high school kami na inaasar ko siya. Kung sana niligawan ko na lang agad siya kaysa magpapansin sa pamamagitan ng pang-aasar, naunahan ko sana si Lawrence. Baka ako ang unang minahal niya at hindi si Lawrence.

Ano ang biggest wish mo?
Sana matutunan akong mahalin ni Cielo.

Does Lawrence intimidate you?
Hindi! Sabihin na ng mga tao na inggit ako sa kanya at pinagseselosan ko siya dahil mahal siya ni Cielo, pero hindi ako nai-intimidate o natatakot humarap sa kanya. Mahal ko si Cielo at ipinaglalaban ko siya kahit kanino, lalung-lalo na si Lawrence.

Article by: Bing I. Castro
Source: Teleserye Mag, Sept 15-Oct 14 2004 issue

Submitted by: Emilie




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.