Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

Taliba: Claudine, Judy Ann, Bea magsasalpukan sa Star Awards for TV
Oct. 06, 2004

MATINDI ang magiging labanan ng tatlong young actress sa darating na 18th Star Awards for TV na gaganapin sa Oct. 23 sa Aliw Theater.

Magkakatunggali sina Judy Ann Santos ng Basta't Kasama Kita, Claudine Barretto ng Marina at Bea Alonzo ng It Might Be You para sa Best Drama Actress.

Pare-parehong sa mga soap opera ng ABS-CBN nominated ang tatlo. Sino kaya sa kanila ang magwawagi?

Apat ding young actors na nasa bakuran ng ABS-CBN ang nominated for Best Drama Actor category. Sila ay sina John Lloyd Cruz ng Kay Tagal Kang Hinintay, Diether Ocampo at Jericho Rosales ng Sana'y Wala Nang Wakas at Piolo Pascual ng Mangarap Ka.

Pare-parehong magagaling ang tatlo. Sina Jericho, John Lloyd at Piolo ay pawang mga nagsipagwagi na ng acting awards samantalang si Diether ay wala pa, pero who knows, maiuwi niya this time ang best actor trophy ng Star Awards?

Source: Taliba, Oct 6 2004
Article by: Footloose ni Leo M. Bukas

Submitted by: Edna




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.