Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Pilipino Star: Cholo, sumuko sa panliligaw kay Bea
Sept. 30, 2004

Isa na yata sa pinakamalaking birthday presscon ng ABS-CBN Star Magic ang huling napuntahan ko. Kahit may ilang kulang na artista, masaya pa rin ang pakikipagtsikahan ng movie press sa mga ABS-CBN Star Magic artists na nag-birthday sa buwan ng September.

Present sa nasabing birthday presscon sina Michelle Bayle, Maoui David, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Marc Acueza, Emman Abeleda, Pia Romero, John Vladimir Manalo, CJ Novato, Kris Marsha Cruz at Neri Naig.

May prior commitments sina Carlo Aquino at Serena Dalrymple kaya hindi nakarating ang dalawa. Si Carlo ay nasa presscon ng Mano Po 3 ng Regal Films. Kasama siya sa cast bilang young Christopher de Leon. Kasama rin siya sa superseryeng Krystala na magsisimula na sa October 11.

Si John Vladimir Manalo ang unang nakausap ko. Siya ang gumanap bilang Denton, isa sa dalawang anak ni Kris Aquino sa hit movie ng Feng Shui. Pamangkin siya ni Jericho Rosales. Ang mom niya na si Tita Lot at si Jericho ay magkapatid.

John Vladimir has guested in a lot of shows of ABS-CBN. He turned 9 last September 6. Grade 3 na siya sa Roosevelt Colleges sa Marikina.

Si Cholo naman, hindi tinantanan ng press kung nililigawan pa ba niya si Bea Alonzo. Aniya, matagal nang hindi sila nagkikita ni Bea. Bihira na rin daw silang mag-text o magtawagan. Hindi man direktang inamin ni Cholo, mukhang sumuko na siya sa panliligaw sa screen partner ni John Loyd Cruz.

Source: Pilipino Star, Oct 1 2004
Article by: ITO ANG L8ST NGAYON! Ni Eric John Salut




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.