“Nanood kami ni John ng concert ISABEL GRANADA at nagakaroon din kami ng time na mamasyal sa Guam”
Bea Alonzo, isa sa mga sikat nating young stars ngayon. Maging siya ay hindi makapaniwala sa success na kanyang tinatamasa. Naging matagumpay ang katatapos na pelikula niya with her loveteam JOHN LLOYD CRUZ. Hindi lamang sa Plipinas tumatabo sa takilya ang naturang-pelikula, maging sa ibang bansa. Kababalik lamang nila para sa isang special premiere nite sa Guam. Mainit ang nagiging pagtanggap ng mga Filipino sa magkatambal.
“Sobrang saya namin ni John Lloyd dahil hindi lamang sa Pilipinas tinatangkilik ‘yung movie namin, kahit sa ibang bansa. Maganda talaga ‘yung movie at happy kami na na-appreciate ‘yun ng mga tao. Ibig sabihin, marami talaga ang tumtangkilik sa loveteam namin hindi lang dito sa atin.”
How true na hindi lamang daw ang pag-promote ng pelikula ang ginawa nila ni John Lloyd sa Guam? Ito rin ang naging pagkakataon para sa dalawa na makapagsarili at mag-bonding?
“May bonding na naman talaga kami kahit hindi kami magpunta sa Guam. Nanood kami ng concert ni ISABEL GRANADA du’n at natuwa kami kasi kinanta niya ‘yung theme song ng teleserye namin na It Might Be You. Hindi lang kaming dalawa ni John Lloyd ang magkasama du’n, may iba pa rin kaming kasama. Although siyempre, nagkaroon din kami ng time na mamasyal.”
Marami ang nagsasabing ang sweetness nila ni John ay bahagi lamang ng promo ng huli nilang pelikula. Kumusta na nga ba sila ngayon?
“Ganito pa rin, wala pa ring pagbabago. Hindi nila dapat isipin na gumigimik lang kami. Dumating lang talaga sa point na mas nagiging komportable na kami sa isa’t isa. “Yun siguro ‘yung reason kung bakit naging box-office ‘yang movie namin, maganda talaga ‘yung chemistry namin. “
Ano ang komento niya sa sinabi ni John Lloyd na sana raw ay malagpasan nila ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay.
“Hindi ko alam kung ano’ng ibig niyang sabihin. Bata pa kasi ako at marami akong hindi alam. Masaya ako na we have a good working relationship at habang tumatagal lalo kaming nagiging close sa isa’t isa. Salamat sa kanya kung naa-appreciate niya ako.”
After ng movie nila ni John Lloyd ay sasabakan siyang ipareha sa ibang artista gaya ni Piolo Pascual. Ano ang sey niya rito?
“Narinig ko nga po ‘yun. Wala naman sigurong masama kung i-pair kami sa ibang artista. Hindi naman maganda kung kami na lang lagi ang magkapareha kasi baka magsawa naman’yung mga tao. Ini-expect naming na there will come a time na gagawa rin kami ng movie iba’ yung makakasama namin but definitely laging may project na ilalaan para sa aming dalawa.’
Confirmed na may gagawin siyang pelikula with MARICEL SORIANO and CLAUDINE BARETTO Anong reaksyon niya rito?
‘I heard about it . Sana nga matuloy . Sobrang flattered ako na makasama sa kanila. Mga big stars na sila kaya yung maconsider ako na makasama nila , that’s a big break. Nagdarasal nga ako na matuloy yun.”
Source: Moviestar
Article by: Mildred Bacud
Submitted by: Marietta
Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.