Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

People's Tonight: Bea may phobia sa pets
Sept. 06, 2004

MAY phobia pala si Bea Alonzo sa pets. And it's for a reason.

Noon daw kasing bata pa siya at ang kanyang nakababatang kapatid, niregaluhan sila ng kanilang ina ng tig-isang hamster.

Tuwang-tuwa daw sila at inalagaan nila nang husto ang mga nabanggit na hayop.

Kaso, minsan daw, nakatulugan nilang magkapatid na di nila napakain ang mga ito. Imagine their horror daw, nang makita nila ang isa sa mga ito na putol na ang ulo!

Apparently daw, kinain ng isang hamster ang ulo ng kasama dahil sa gutom.

"Di lang kami nalungkot sa nangyari, na-trauma pa po kami. Me, in particular. Since then, ayoko nang mag-alaga ng pet," pahayag ni Bea.

Today, may alagang aso raw ang kanyang ina. Pero, dahil alam nito ang pagkakaroon niya ng phobia sa pets, basta nasa bahay siya, her mom makes sure that the dog is not around.

"Nag-iisa lang po ang ka-weirduhan kong iyan," ani pa ni Bea.

Source: People's Tonight, Sept 6 2004
Article by: TATTLES ni Nel Alejandro

Submitted by: Sabrina




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.