Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

Taliba: John Lloyd nagtapat na ng pag-ibig kay Bea
Sept. 06, 2004

PUMIRMA ulit ng kontrata sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa Star Cinema. Kumita sa takilya ang Now That I Have You ng dalawa kaya nakatakda ulit silang gumawa ng tatlo pang pelikula sa Star Cinema.

Sa contract signing marami ang nakapansin sa extra closeness ng dalawa kahit tapos na ang promo ng kanilang movie. Mas lalo tuloy naging interested ang naturang film outfit na i-build up ang kanilang tambalan.

Napag-alaman din namin na nagpahayag na ng pag-ibig si John Lloyd kay Bea. Tinotoo na nito ang mga pagbibiro niya noon na liligawan niya ang dalaga.

"Willing naman akong maghintay. Bata pa kasi si Bea, bawal pa siyang magkaroon ng boyfriend at naiintindihan ko naman 'yon," pahayag ni John Lloyd.

Samantala, ikinainis ni John Lloyd John Lloyd Cruz and Bea Alonzo ang lumabas na balitang nagkabalikan sila ng ex-girlfriend niyang si Ciara Sotto.

"Walang balikang nangyari," giit agad nito.

"Nakakainsulto kasi 'yung mga naririnig ko na nagpabili pa raw ako ng mamahaling relos kay Ciara... Walang ganun. Pinaghihirapan ko ang perang kinikita at ipinambibili ng mga bagay na kailangan ko," dagdag pa ng binata.

Sa tono ng pananalita ni JohnLloyd, halatang iniiwasan niyang may masabi sa kanya ang ka-loveteam na si Bea kaya kaagad niyang nilinaw ang isyu.

Ngiti lang naman nang ngiti si Bea habang nagpapaliwanag ang binata. Halata ring unti-unti nang nahuhulog ang loob nito sa aktor.

Source: Taliba, Sept. 6 2004
Article by: FOOTLOOSE ni Leo M. Bukas

Submitted by: Sabrina




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.