Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Flash: Lalo silang nagiging close ni John Lloyd....
Aug. 24, 2004

"Maganda dahil hindi pinipilit at walang plano, na kailangan ganito ang mangyari, walang ganun!" - Bea Alonzo

Aminado si John Lloyd Cruz na naging conscious siya noon sa pakikipagkaibigan sa kanyang ka-loveteam na si Bea Alonzo na muli niyang makakasama sa pelikulang hatid ng Star Cinema, ang Now That I Have You na kasalukuyan nang pinipilahan sa mga sinehan.

Kaya naman ngayon na halos araw-araw ay nagkakasama sila ni Bea, dahil magkasama pa rin sila sa teleseryeng It Might Be You, pinabayaan na lang niyang maggrow ang kanilang friendship na mukhang mauuwi naman sa maganda, hindi tulad dati na talagang pilit na pilit ang kanilang closeness.

Sagot naman ni Bea tungkol dito. "Doon sa friendship naming ngayon ni John Lloyd, I can say na mas comfortable na kami ngayon. At 'yun ang maganda dahil hindi pinipilit at walang plano, na kailangan ganito ang mangyari, walang ganu'n. "Tapos natapat pa sa second movie naming together, na okey na ang friendship namin, kaya malaki na talaga ang improvement at malaki ang naitulong nu'n para mapaganda pa namin ang mga eksena."

Bukod sa pagbabago ng relasyon nila bilang magkaibigan ni John Lloyd, malaki rin daw ang pagbabago sa acting na pinakita niya sa naturang pelikula na dinirek ni Laurenti Dyogi.

"Sa nakita sa Kaytagal Kang Hinintay noon, parang naintriga talaga ang mga tao dahil ibang-ibang 'yung ginawa ko sa book one at sa book two.

"So, 'yung ginagawa ko sa It Might Be You ngayon, iba rin. Ganu'n kasi ang gusto ko, sa bawa't character, dapat iba rin ang pag-arte ko."

"Kaya dito sa movie na ito, parang ibang-ibang si Betchie kay Cielo, iba kay Katrina at kay Bianca. 'Yun ang natutuhan ko lalo na sa project na ito, at si Direk Lauren ang tagasabi sa akin kung umarte ako bilang Cielo at hindi bilang Betchie.

"Sana makita 'yun ng mga manonood na talagang ang i-effort ako sa mga characters na ginagampana ko".

Tinanong din si Bea na kung sakaling ready na siyang magpaligaw at ligawan na siya finally ni John Lloyd, ano kaya ang magiging reaksyon niya?

"Actually, open naman ako sa ganu'n, kasi okey naman kay Mommy 'yung ligaw-ligawan ako. With John Lloyd, I don't know kung ano ang gagawin ko sakaling ligawan niya ako, hindi ko talaga alam", sabi niya.

Maganda na nga ang samahan nila ni John Lloyd, mahusay pa ang kanilang director na masasabing malaki ang naitulong para lalo pang magustuhan ang kanilang loveteam.

"With Direk Lauren, maganda talaga ang working relationship namin, dahil siguro kilalang-kilala na niya kami ni John Lloyd.

"Ang maganda pa, parang hindi lang work 'yung ginagawa namin. Kasi kapag nakikita ka niya na parang malungkot ka sa set, tatanungin ka niya agad kung ano ang problema.

"Kaya kami nagiging komportable talaga. Alam din niyang kung hanggang saan at kung ano ang puwede naming ibigay, kaya ipupush niya kami to do 'yung best namin," pagwawakas ni Bea.

Source: Flash Magazine, Aug 19 2004
Article by: Rohn Romulo

Submitted by: Marietta




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.