Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

People's Tonight: Bea denies causing Mico-Joyce split
Aug. 23, 2004

NAG-REACT si Archie Ilagan sa isyu na inili-link si Bea Alonzo sa rumored split nina Mico Palanca at Joyce Jimenez. Si Archie ang comanager ni Bea with ABS-CBN Star Magic.

"Kung ano man ang naging problema nina Mico at Joyce, sana huwag nilang idamay ang alaga ko," pahayag ni Archie. "Hindi niya boyfriend si Mico. Hindi ko alam kung nanliligaw si Mico kay Bea, pero huwag nilang ilagay in a bad light ang nananahimik kong alaga."

Ani Archie, may showbiz and non-showbiz suitors si Bea, pero wala isa man sa kanila ang sinagot ng dalaga.

"Natural lang na may ma-attract na guys kay Bea, pero ang tanong, e, ini-entertain ba niya ang mga ito? Hindi! Kasi ayaw pa niyang magka-boyfriend. When she reaches 18, doon lang daw siya mag-i-entertain ng manliligaw."

Kung tama ang dinig ko, kung may guy man na gusto ni Archie at ng pamilya ni Bea for her, it's John Lloyd Cruz pa rin.

Source: People's Tonight, Aug 24 2004
Article by: RIPPLES ni Eric John Salut




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.