Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

Moviestar: Si John Lloyd ang unang nakahalik sa kanya
Aug. 22, 2004

Si John Lloyd ang unang nakahalik sa kanya: "Worth naman na si John Lloyd ang first kiss ko dahil hindi siya nag-take advantage sa akin." -- Bea Alonzo

Sa ganda at kasikatan ni Bea Alonzo ay marami ang di makapaniwala na wala itong boyfriend hanggang ngayon. She's turning seventeen sa Oktubre ang most of her peers sa panahon ngayon ay nagbilang na ng mga kasintahan.

Hindi kaya sobrang strict ang parents niya at bawal pa siyang mag-nobyo o dahil nag-aalangan siya dahil sa loveteam nila ni John?

"Choice ko naman na wala munang lovelife. Hindi naman nila ako pinagbabawalan na magkaroon ng boyfriend dahil I have a loveteam. Pero it's my choice na huwag munang makipag-relasyon. Si Mommy nga lagi ring sinasabi na mag-boyfriend na ako para magkaroon ng inspiration. Very open si Mama sa ganyan. Pero ayoko pa muna. Hindi pa lang siguro dumarating yung right guy for me."

Pero iniisip din daw niya minsan paano kung meron na siyang boyfriend ngayon, magiging masaya ba talaga siya o masasaktan lang?

"Ewan ko," nalilito niyang sabi. "Ayoko lang muna. Siguro masyado kasing importante sa akin yung magiging first boyfriend ko kaya ayokong magkamali."

Hindi kaya si Bea�yung tipo ng babae na willing ibigay ang lahat sa kanyang first boyfriend?

"Everything, yung time ko, kailangan may ganun siguro talaga."

Pati ba ang kanyang virginity ay handa niyang isuko sa kanyang magiging boyfriend?

"May sex involved agad?" gulat na tanong ni Bea. "I don't know siguro siguro depende sa age. Ayokong magsalita ng tapos. But for now, I don't think kaya kong gawin iyon."

So kailan niya ibibigay ang kanyang pagkababae at kanino?

"Siguro sa guy lang na pakakasalan ko."

Hindi siya naniniwala sa premarital sex?

"Sa edad ko ngayon, of course not kasi Catholic ako, I don't agree sa premarital sex. But then again, ayokong magsalita ng tapos. Pero as much as possible siguro ibibigay ko yung virginity ko sa lalaking pakakasalan ko. Parang gift ko na �yun sa kanya, e."

Kung siya ang masusunod, gugustuhin ba niya na ang first boyfriend niya ay yun din ang ang lalaking pakakasalan niya?

"Hindi ako yung type ng babae na kapag ito ang first boyfriend ko, siya na rin yung last. Hindi ako ganun, e. I mean, kung hanggang kailan tatagal ang relasyon namin, kesa naman magpakasal tayo tapos after ten years bigal kayong mag-decide na parang ayaw na ninyo sa isa't isa. Ayaw ko kasing magkaroon ng broken family because I came from a broken family and I know how hard it is na manggaling sa ganung sitwasyon di ba? So, as much as possible kahit boyfriend pa lang, e, pinag-iisipan kong mabuti. Siguro maganda kung pag-iisipan mo."

Sabi ni John Lloyd, mahusay daw humalik si Bea base sa kissing scene nila sa Now That I Have You. Flattered ba siya sa sinabi ni John?

"Hindi naman masyado," nakagiting sagot ni Bea. "I don't know. In a way, siguro, nakaka-flatter."

To think na never pa siyang nagkaroon ng boyfriend, paano siya natutong humalik?

"I don't know talaga. Hindi ko nga alam yung sinasabing magaling humalik, e."

Kung sinabi ni John na mgaling si Bea, e, what about him? Magaling din bang humalik sa palagay niya si John?

"Hindi ko masasabi yun. Hindi ko siya mari-rate kasi wala pa naman akong ibang naka-kissing scene e."

Nag-enjoy ba si Bea sa halik ni John?

"Okey naman."

Meaning nasarapan siya?

"Ha?" bulaslas niya. "Grabe naman. Ang pangit ng words."

Ano ang katangian ni John na gusto niyang makita sa kanyang magiging boyfriend?

"Siguro yung pagiging responsible niya. Yun ang isa sa mga gusto ko sa mga guys. Mature yung point of views, yung tingin niya sa buhay, yung wisdom. Yung tipong pag kausap mo siya, marami kang matutuhan sa kanya."

Inisip pa rin ba niya hanggang sa pagtulog yung kissing scene nila ni John Lloyd?

"After nung kissing scene, nag-dubbing pa ako noon. Masyado akong puyat kaya nakatulog na agad ako."

Wala ba siyang nararamdam na kakaiba sa halik ni John?

"Of course, meron. Syempre, it's my first kiss so I can't help but think of it."

Hindi pa siya nag-isip na sana yung first boyfriend niya ang nakatikim ng kanyang unang halik or rather si John na sana ang first boyfriend niya?

"Wala naman akong regret na yung first kiss ko si yung first boyfriend ko. At least, yung first kiss ko yung lalaking hindi nag-take advantage. Kahit di ko siya boyfriend, at least, I know him. Worth naman si John ang first kiss ko dahil he's a nice guy at di siya nag-take advantage sa akin."

Next year ay debut niya. May plano na ba siya for the celebration of her 18th birthday?

"Gusto kong mag-travel instead of a party for my debut. Kaya gusto kong mag-ipon para makapag-travel with my whole family. Hindi pa ako nakakaalis ng Pilipinas. Dapat sa ASAP nung mag-show sila sa San Francisco kaya lang di naayos ang papers ko. Kaya gusto kong mag-out of the country with my whole family."

Ano ang country ang gusto niyang puntahan?

"New York kasi di ba it's the city that never sleeps? Marami akong gustong puntahan doon," pagtatapos ni Bea.

Source: Moviestar Magazine, August 24 2004
Article by: Julie Bonifacio

Submitted by: Emilie




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.