Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Teleserye Mag: Diary ni Cielo (Part 01)
Aug. 21, 2004

Mapapalad ang mga tagasubaybay ng It Might Be You dahil pumawag si Cielo na ibahagi ang kanyang diary. Lalo nating hahangaan ang kanyang kabaitan ng loob.

Dear Diary,
Hindi ko alam kung tama ba to, kasi di ko naman style ang magbuhos ng nararamdaman ko sa isang diary. Kadalasan, sinasarili ko lang. Minsan naman, si Nanay Ebony, o kaya si Nanay Lupe at Tatay Eseng ang sinasabihan ko. Alam ko kasing nandyan lang sila palaga, nakikinig, umiintindi.

Nong bata pa ako, may mga poster ako nina Juday at Claudine. Madalas ko silang sabihan ng mga saloobin ko. Nai-imagine ko pa non na sinasagot nila ako.

Dati rin may scrapbook ako. Bigay ni Lawrence nong bata pa kami, bago siya umalis papuntang States. Sabi niya non, don ko raw isulat at ilagay ang mga bagay na ginawa ko habang wala siya. Ginawa ko naman yon. Pat nga yong mga wrapper ng candy na padala niya, idinikit ko ron.

Pagbalik niya, ipinakita ko sa kanya yong scrapbook. Nong una, ayaw niyang tignan. Ni ayaw niya akong kausapin at kilalanin. Akala ko non kanalimutan na niya ako. Pero nag-hold on pa rin ako sa pangako namin nong bata pa kami na best friends kami forever. At unti-unti rin siyang natauhan. Nagin best friends ulit kami.

Hanggang sa ma-realize namin na mahal pala namin ang isa't isa.

Naalala ko pa no�ng una niyang sabihin yon sa akon. Dinala niya ako sa belfry. Pagdating namin sa tuktok, nakita kong nagmukhang enchanted palace ang belfry dahil napalamutian ito ng white roses. Niyaya niya akong dumungaw sa bintana, at doon, sa baba ng belfry, nakita ko ang isang malaking heart bordered with rose petals. Tapos sabi niya sa akin, "Best friend, I love you, love you, love you."

Napakasaya ng mga araw bago sumapit ang graduation namin. Pero nasira dahil sa mga bagay na wala sa aming kontrol. Mga bagay na lubos na nakasakit sa mga batang puso namin.

Siguro masyado lang kaming bata noon kaya hindi namin napaglabanan ang mga suntok ng relasyon namin. Wala kaming sapat na kaalaman noon para pag-ukulan ng tamang pag-unawa ang isa't isa. At parehong masyadong matataas ang mga pride namin para pakinggan ang side ng isa't isa.

Pagkatapos namin magpalitan ng maaanghang na salita nong graduation day, naghiwalay kami na may matinding galit sa isa't isa. Pati mga pamilya namin, nadamay. Akala ko tuluyan nang nawala siya sa akin, nag best friend ko.

Kundi pa dumating si Romer sa buhay ko, hindi ko makikita ulit si Lawrence. Si Romer ang naging daan upang magtagpo ulit kami ni Lawrence at ma-realize namin sa aming mga sarili na mahal talaga namin ang isa'�t isa.

Marami tuloy ang nagtatanong kung totoo bang minahal ko si Romer.

Naiintindihan ko naman kung bakit nila tinatanong yun. Pero, paano ko ba ie-explain?

Minahal ko si Romer, oo pero iba ito sa nararamdaman ko para kay Lawrence.

Si Romer ang isa sa pinakamaganda at pinaka-pure na tao na nakilala ko. Loob at labas, wala kang maipipintas sa kanya.

Napakadakila ng pagmamahal niya. Kung may isang taong nagpamalas sa akin ng pagmamahal na walang kondisyon, walang sinisino, walang limitasyon, si Romer yun. Siya yung taong kung magmahal ay "no ifs, no buts, no limitations." Ang nagin limitasyon lang ay ang maaga niyang pagpanaw.

Pero kahit sa hanggang bandang huli, naging generous pa rin siya. Sa pag-alis niya, ibinalik niya sa akin si Lawrence. At iniwan niya sa aming dalawa ang realization na Oo nga, hindi mapagkait ang pagmamahal; hindi makasaril ang nagmamahal.

Malaki ang dapat kong ipagpasalamat kay Romer. Madalas niyang sabihin sa akin noo, I was the best gift he ever received. Sana man lang nasabi ko sa kanya na para sa akin -- para sa amin ni Lawrence siya ang gift. Romer gave Lawrence back to me as he gave me back to Lawrence.

Pero hindi pa rin kami nakasisiguro ni Lawrence na hindi kami maghihiwalay. Napakaraming hadlang sa aming pagmamahalan. Alam kong marami pa kaming pagdadaanan.

Si Lawrence .. ang best friend ko mula pagkabata, bakit kaya napakailap ng tadhana para sa amin? Pilit kaming pinaglalayo, pero nandito lang naman kami palagi, halos abot-kamay ang isa't isa. Bakit kaya kung kailan nagtatagpo ulit ang mga landas namin, saka naman kami pilit pinaghihiwalay?

Ganoon talaga siguro ang pag-ibig. Kailangang pagdaanan lahat nang hirap at pagsubok bago mo maangkin ito at masabing totoo ngang umiibig ka.

Si Lawrence ang tinadhanang mamahalin ko habang buhay. Pero siya ang pighati at kaligayahan ng buhay ko. Pero bago namin marating ang kaligayahang yon, kailangan siguro naming pagdaanan ang maraming hirap at pasakit. Sabi nga nila, ang totoong pag-ibig, kagaya ng ginto, ay kailangang dumaan sa apoy bago ito maging dalisay.

With this thought in mind, hindi malauo na marami pa kaming pagdadaanan. Hindi ko alam kung anu-ano pa ang mga yon. Hindi ko alam kung anong klaseng mga pahirap pa ang daranasin namin. Pero kahit ano pa yon, kung totoong mahal namin ang isa't isa, as long as magkahawak-kamay kami, kakayanin namin yon. At habang mahal namin ang isa't isa, hindi kami bibitaw.

Hanggang sa muli,
Cielo

Mga Aabangan

. Ang bonggang debut ji Cielo. Malapit na.

. Ang muling pagbubukas ng Guadalupe Theater. Pagagandahin at muling bubuksan nina Eseng, Lupe at Cielo ang sinehan sa tulong ni Camilo. Subalit may kapalit na pagluha ang kasayahang ito.

. Ang pagbabalik ni Axel. Sa pagbabalik niya, may dala siyang isang malaking sorpresa. Hindi na siya isang loser, kundi isang bagong Axel, all grown up at handing ipaglaban ang kanyang pag-ibig kay Cielo.

. Ang paghahanap ni Orlanda sa kanyang tunay na anak. Sino nga ba?

. Ang rebelasyon ng tunay na katauhan ni Gian.

Source: Teleserye Mag, Aug 15-Sept 14 2004 Issue
Submitted by: Emilie




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.