Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Moviestar: JOHN & BEA, nagkaka-develop-an na
Aug. 14, 2004

Inamin ni John Lloyd Cruz na kabado siya sa launching movie nila Bea Alonzo entitled Now That I Have You.

"Hindi naman sa wala akong tiwala sa team-up namin ni Bea. Iba lang kasi ang movie. Hindi ganun kadaling ma-convince and tao unlike in television," kumpara ni John.

"Mahirap ibenta ang finish product, kasi the viewers, hindi totally nagdi-depend sa popularity ng mga bida. Dapat may pruweba sila na worth ang bawat sentimong ibabayad nila sa panonooring pelikula."

Very honest pareho sina Bea at John sa kanilang feelings sa isa't isa. Marami ang nagsasabing mukhang nagkaka-develop-an na ang dalawa dahil sa kakaibang sweetness na namamagitan sa kanila. Ayon pa kay Bea, hindi malayong ma-inlove siya kay John dahil sa kabaitan at sa dalas ng kanilang pagkikita at pagsasama.

"It's true na sobrang close na kami ni John compared noon. Hindi na kami nagkakahiyaan at palagay na ang loob namin sa isa't isa. Pero ayokong pangunahan ang panahon, kung talagang kami sa bandang huli, mangyayari yon. Wala namang masama dahil pareho kaming available," kinkilig na sabi pa ni Bea.

Si John naman ay all-praises sa kanyang ka-loveteam. Very professional daw si Bea sa trabaho at napakabait sa kanya. Napansin din ni John nag pamamayat ng dalaga kaya panay ang puri niya rito.

"Honestly, nabigla talaga ako sa biglang pagpayat ni Bea. Lalo nga siyang gumaganda sa paningin ko. Pero wala pa kaming dapat aminin dahil hindi pa kaming dalawa. Pero who knows? Baka in th end, kami nga ang magkakatuluyan. We can never tell, " bitin pang sabi ni John na mukhang inlove na nga kay Bea.

Source: Moviestar, Aug 17 2004
Submitted by: Emilie




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.