WITH the box-office success of her new movie Now That I Have You, hindi puwedeng sabihing 'di pa full star si Bea. 'Di rin mapasusubalian na marunong siyang umarte. She was convincing as a 21-year-old (she's actually only 16) na nagtatrabaho sa isang call center who is determined na i-pursue ang lalaking kanyang napupusuan. No wonder na as early as now ay marami nang plano para sa kanya hindi lang ang ABS-CBN kundi ng Star Cinema Already in the works ang isang script which will co-star her with two top leading ladies, plus the chance to work with Aga Muhlach. 'Di ba matagal nang dream ni Bea na makagawa ng movie with Aga?
She told this to Aga herself when she guested in his birthday episode in OK Fine! Whatever, his top-rated sitcom on ABS-CBN 2. Binanggit niya rin na it's considered a benchmark na malaking artista ka na kapag naging leading lady ka ni Aga.
In the meantime, didn't you notice na lalong gumaganda ang role ni Bea sa teleseryeng It Might Be You (also on ABS-CBN)? This time, no less than the son of the President ng bansa ang nagpu-pursue sa kanya.
One thing about Bea — ayon sa mga nakatrabaho na niya, including those na hindi artista — wala siyang attitude problem. At wari mo, 'di pa pumapasok sa kanyang katauhan na sikat na siya.
Source: People's Tonight, Aug 15 2004
Article by: Nel Alejandro
Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.