Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ People's Tonight: Bea shaping up as next drama princess & superstar
Aug. 13, 2004

BUKAS din ay makikisaya si Bea Alonzo sa Kadayawan Festival 2004 sa Davao City.

Nasa SM Davao si Bea in line with Porsche Jeans' thanksgiving day. Ibinalita sa akin ni Porsche Jeans marketing director Dante Castillo na ang event ay bilang pasasalamat ni Bea sa kanyang mga tagasuporta at mga tumatangkilik ng Porsche Jeans, kung saan si Bea ang image model.

Isang exciting event na magaganap ay kung sino ang nakasuot ng Porsche Jeans sa SM Davao will get a special prize from Bea and the jeans company.

"Happy kami sa suporta ng public sa line namin," says Dante. "Plus, of course, the support we're getting from Bea. Kaya, it's our way of thanking our patrons."

Sa event din ay pasasalamatan ni Bea ang mga taga-Davao na sumuporta sa pelikula nila ni John Lloyd Cruz, ang Now That I Have You. Showing pa rin ang movie which is a certified box-office hit.

***

SPEAKING of Bea, hinangaan ko ang husay niya sa Now That I Have You. Dati na akong hanga sa dalagitang aktres. Pero sa nasabing pelikula, mas pinahanga niya ako. Kakaiba ang role but Bea did well sa kanyang portrayal. Marami na rin akong narinig na feedback.

Sabi nga ni Mario Bautista, film critic and journalist: "Nagustuhan ko ang movie. Nag-enjoy ako."

Kahit ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino member at TV host na si Butch Francisco, maganda ang review sa pelikula.

At ang mga nakapanood na, tiyak na a-agree sa akin na nag-shine nang husto sa movie si Bea.

Kaya, ngayon pa lang, abot-kamay na ni Bea ang pagiging next drama princess at superstar. Kung magtutuloy-tuloy ang right projects at good attitude, si Bea na ang magiging next superstar.

I can't help but feel proud kay Bea, na nasundan ko ang career mula sa pagiging member niya ng Star Circle 10. Noon ay inaapi-api pa siya dahil, kahit may angking ganda, hindi maganda ang kanyang mga damit. Look at her now.

Congratulations, Bea! Pati na kina John Lloyd Cruz, Nikki Valdez, Kristopher Peralta at Laurenti Dyogi sa isang matagumpay na pelikula.

Source: People's Tonight, Aug 14 2004
Article by: Ripples ni ERIC JOHN SALUT




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.