Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Pilipino Star: Bea,next superstar ng ABS-CBN
Aug. 12, 2004

Humanga ako nang husto kay Bea Alonzo sa Now That I Have You. Sa totoo lang, ibang-ibang Bea ang napanood ko. Dati na akong bilib sa dalagitang aktres pero after watching the movie, lalo pa akong humanga sa kanyang pagiging aktres.

Given na ang pagiging mahusay ni John Lloyd Cruz. Hindi pa yata pumalya si John Lloyd na pahangain ako. As usual, napakahusay din niya bilang Michael Morellos.

Sa Now That I Have You, Bea is Betsy Rallos. Isang modern-day girl na walang pakialam sa kanyang feelings. Prangka. Kapag na-in love, ipinapakita niya. At ipinararamdam niya.

Maraming eksena sa pelikula na hinangaan ko si Bea. Talagang lumabas ang kakaiba niyang karakter. Mahusay ang pagkaka-define ni Laurenti Dyogi sa character ni Bea. Mahusay din ang suporta ni Nikki Valdez bilang bestfriend ni Bea.

Biglang pumasok sa isip ko na hindi nagkamali ang ABS-CBN at Star Cinema sa pag-build up kay Bea. At sa ipinapakitang husay ni Bea, walang duda na siya na ang magiging next superstar ng ABS-CBN at Star Cinema. Kaya matigil ang mga datihan nang young star na naghihitad diyan. Dahil pwedeng-pwedeng makuha ni Bea ang superstardom.

Sa mga nakapanood na ng Now That I Have You, tiyak na a-agree sila na nag-shine nang husto si Bea sa movie.

Showing na ang pelikula. Ang balita ko, breaking box-office records ang pelikula.

Source: Pilipino Star, Aug 13 2004
Article by: ITO ang L8TEST NGAYON, Erik John Salut




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.