Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

Pilipino Star: ITO ANG L8ST NGAYON! Ni Eric John Salut
Aug. 10, 2004

Ngayong araw ay masusubukan ang lakas ng following nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil first day of showing ng pelikula nilang Now That I Have You. Sa hanay ng mga loveteam sa bakuran ng ABS-CBN at Star Cinema, tanging ang team up nina John Lloyd at Bea na lang ang intact. Samantalang ang iba ay natibag na.

Kung tutuusin, walang masasabing romansang namamagitan kina John Lloyd at Bea kumpara sa ibang loveteam. Pero nananatili pa rin silang matatag. Siguro nga, tama na walang pressure sa kanilang dalawa na magligawan. Pwede ring sabihing may magic ang kanilang team up.

Hindi pa rin sumusuko ang kanilang mga fans. Umaasa ang mga ito na sa huli, sina John Lloyd at Bea pa rin ang magkakatuluyan. Lalo pa ngayon na obvious na kumportable na sila sa isa’t isa.

Matino rin ang pagkaka-build up ng ABS-CBN at Star Cinema sa loveteam nina John Lloyd at Bea. Sinubukan muna sa telebisyon, sa pamamagitan ng Kay Tagal Kang Hinintay at hanggang sa bigyan ng sariling movie. Added the fact na naalagaan sila ng mahusay na director sa pelikula, si Laurenti Dyogi at sina Don Cuaresma at Gilbert Perez sa telebisyon, sa It Might Be You.

Light-romance ang benta sa Now That I Have You pero ang balita ko, towards sa middle part ng pelikula ay umaatikabong drama na ang mangyayari.

Ngayon, kapag tumabo sa takilya ang Now That I Have You, malinaw na sina John Lloyd at Bea ang masasabing pinakamainit na loveteam ngayon.

Source: Pilipino Star, Aug 11 2004
Article by: ITO ANG L8ST NGAYON! Ni Eric John Salut




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.