Pinauugong ngayon ng kampo ng Star Cinema ang pangalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo komo may bagong pelikula ang nasabing outfit na pinagtatambalan na dalawang nabanggit na young stars.
Ikalawang movie na nila ang Now That I Have You although nung una (My First Romance), hindi nila solo ang credit. This time nasa kanila lahat ang pressure kung kikita o magpa-flop ang pelikula. Kaya naman, kapawa kabado sina John Lloyd at Bea sa malaking tiwala na binigay ng Star Cinema sa kanila.
Sa isang panayam kay Bea, itinanong dito kung handa na raw ba siyang mag-bold since pumayat na nga siya at lalong nag-bloom. Sabi naman ng 16-year old girl na turning 17 this September, hindi pa raw ngayon dahil bata pa siya, pero kung may darating na magandang role, why not?
Tama ang desisyon ni Bea, masyado pa siyang bata. At kahit naman hindi siya mag-bold, siguradong uusad ang kanyang career dahil maganda ang packaging sa kanya ng ABS-CBN.
Ito namang si John Lloyd, masuwerte rin siya na nai-pair kay Bea dahil gumanda rin ang takbo ng kanyang career. Kumbaga, may chemistry kasi silang dalawa kaya tinatangkilik sila ng publiko.
Pero ang greatest fear lang talaga nina John Lloyd at Bea sa ngayon, baka �di nila mahigitan kundi man abutan ang kinita ng All My Life na nag-box office kamakailan. So, kayong mga fans na ang bahalang humusga. Kung ayaw ninyong matalbugan nina Aga Muhlach at Krisitne Hermosa ang inyong mga idolo, mabuti pang panoorin nyo na lang ang Now That I Have You na may premiere night sa August 10 at showing na sa August 11.
Source: Bulgar, August 8 2004
Article by: May Name Ka Ba? Ni Felix Espinosa
Submitted by: Emilie
Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.