Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

Bulgar: Di na rin nakapagpigil... JOHN LLOYD AT BEA, MAINIT
Aug. 07, 2004

Matapos ang pagiging matagumpay na pelikulang All My Life sa takilya, heto na naman an one of the most good looking directors in local showbiz na si Lauren Dyogi with a Bea Alonzo-John Lloyd starrer in Now That I Have You. Cool lang si direk at ni wala sa kanya ang excitement in anticipation na magiging blockbuster din sa takilya ang pelikulang ito na ipapalabas na next week. "Basta naibigay na namin ang the best that we can give, we are just hoping quietly na people will like this movie." May kilig factor kuno sina Bea at John Lloyd, ito ang mabigat na panlaban ni direk sa film na ito. "Wholesome ang characters dito and seeing Bea & John Lloyd will remind you of the stars we used to see in the sixties. Clean cut si John Lloyd, mukhang mabango. gwapo, matangkad and very good looking. Para ba itong si Juancho Gutierrez noon at si Gloria Romero naman ay itong si Bea."

Inamin naman ni direk na hindi matatawag na "perfect faces" ang magka-love team na ito. "Kung ikukumpara mo ito kay Kristine Hermosa na matatawag mong perfect na ang ganda, si Bea ay may sungki-sungking ngipin. At ito naman si John Lloyd ay ubod nang laki ang eyebags. But it's their imperfections that makes them different."

Siya raw mismo ang humiling sa Star Cinema na makatrabahong muli ang dalawa. "They are my babies." Si Lauren pala ang naging instrument para mabuo ang loveteam na ito sa Kaytagal Kang Hinintay. "Sina Inang (Olive Lamasan), Charo at Malou Santos ang nakakita kung anong meron itong sina Bea at John Lloyd." Sila kuno ang nag-encourage kay direk to do something about it, thus the loveteam was conceived and born in Kaytagal..under the hands of this talented director.

Mga bata pa masasabi ang dalawang bida rito sa Now That I Have You, 16 lang si Bea at 20 lamang si John Lloyd. "But you'll love working with them," sey ni Direk Lauren. "Bea wants to excel in her craft at ito namang si John Lloyd wants to be an actor. And we all want to share something beautiful sa mga manonood."

Kung medyo heavy ang feeling ni direk matapos nitong gawin ang All My Life (kung saan namatay si Aga Mulach sa ending), Now That I Have You is a breeze for him. Gagaan daw ang feeling ng moviegoers after seeing this film.

Maraming tagahanga nina John Lloyd at Bea ang nagwi-wish na sana'y magkatuluyan na sila. Since wala na nga naman Ciara Sotto sa buhay ni John Lloyd, di libre na nga sila. At marami rin ang nagsasabi there's something different in Bea nowadays.

Pero para kay direk, "Sana they won't fall for each other. Mas tatagal kung may sense of mystery sila. I-maintain lang nilya 'yung kanilang friendship, 'yung pagiging kumportable nila sa isa't isa"

Pero honest si direk sa pagsasabing parang may nahahalata na siya sa dalawa. "Iba na ang mga tinginan nila. May hidden meaning na 'yung second glances nila... I just don't know whether they playing it up..."

Jos ko naman itong si direk! 'Di ba, may kasabihan naman tayong: "Kahoy mang nakababad sa tubig, 'pag tinabi mo sa apoy, mag-iinit at mag-iinit pa rin ito?" E, halos araw-araw na magkasama itong si Bea at John Lloyd, mapa-soap opera o pelikula man. At mga bata pa ang mga ito, hyper ang adrenaline glands nila. Aba'y magiging very happy ang fans nila 'pag nagkataon. With their imperfections, they're actually a perfect combination, sa screen man o sa tunay na buhay.

Source: Bulgar
Article by: Len Llanes

Submitted by: Khaye




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.