Nakabili na pala si Bea Alonzo ng brand new Starex from her kita sa TV and movies. Bale second car na niya ito. Second Starex niya na bale ito. Second hand nga lang ang first car niya. Pero nang makaipon siya, buy siya ng brand new.
No’n kasi nagta-taxi lang siya from Antipolo. Eh siyempre ang dami-dami niyang dala dahil magdamagan ang taping or shooting nila. Kaya nga nang medyo nakakaipon na siya, priority niya ang makabili ng kotse.
Hindi naman matagal ang naging paghihintay niya dahil madali siyang nakaipon dahil madaling nag-click ang loveteam nila ni John Lloyd Cruz.
Pero majority naman ng kinikita niya ay diretso sa savings niya na ang nanay niya ang nagha-handle. Wala naman kasi siyang masyadong ginagastusan except for cellphone na madalas siyang magpalit.
But unlike ordinary teenager, hindi siya mahilig mag-shopping. Minsan-minsan lang daw. "Pag may time, nagpupunta ako sa Shangri-La," she said during the interview before the presscon of her latest movie, Now That I Have You opposite John Lloyd Cruz under the direction of Laurente Dyogi for Star Cinema.
"May mga sponsor naman ako ng damit, shoes and bags, so hindi ko na kailangang gumastos sa mga ‘yun, " she said.
Instead nga namang gastusin niya sa mga personal needs niya, gagamitin na lang niya sa ibang kailangan niya.
Anyway, kung napansin n’yong medyo pumayat na si Bea, yan ay dahil sa total gym na binili ng kanyang mother. Sa total gym, hindi na niya kailangang magpunta sa gym or mag-hire ng instructor, kasi ‘yun nasa bahay lang nila. At anytime na puwede siya, saka lang siya naggi-gym. Na-burn out daw kasi siya sa kaka-thread mill kaya binilhan siya ng mommy niya ng puwedeng makatulong para pumayat siya.
Very careful din siya sa food intake. Kung noon one cup of rice ang kinakain niya, lately, half na lang. Pati ulam, konti na lang compared before na lahat ng ihain, kinakain niya.
During the presscon nga, binigyan siya ng rice na lechon ang ulam. Ni hindi niya na-touch ang pagkain. Instead, water lang ang hiningi niya sa waiter.
At ang favorite niyang chocolate, gusto na rin niyang kalimutan. As in patikim-tikim na lang siya ngayon. Wala na rin siyang baon. Samantalang noon, walang oras na hindi siya kumakain ng chocolate.
Nagkaroon ng effect ang lahat ng pagtitiis niya. Marami nang nakakapuna na malaki na ang nabawas sa timbang niya.
Anyway, excited at nervous ang nararamdaman ngayon ni Bea dahil sa nalalapit na showing ng launching movie nila ni John Lloyd. Minsan nga raw, matutulog na lang siya, nagdadasal pa siyang, sana naman ay kumita ang pelikula dahil dito magi-gauge ang popularity ng kanilang loveteam.
Base sa kuwento ng director nila, walang reason para hindi kumita ang movie. Aside from kilig factor, may direction at sense daw ang pelikula na kulang minsan sa ibang pelikula natin. Kagagaling lang ni Direk Dyogi sa isang box office hit, ang All My Life na kumita ng almost P 175 M kaya ngayon pa lang, pini-predict na malaki rin ang kikitain ng Now That I Have You.
During the shooting, mas naging smooth ang trabaho nila dahil mas intimate na ang dalawa compared before na may Ciara Sotto pa sa buhay ni John Lloyd. "Ngayon parang walang pumipilit na maging close kami, basta nangyayari na lang," pahabol ni Bea.
Ito raw ang reason kung bakit blooming ngayon ang young actress. Unti-unti na niyang nararamdaman kung anong feeling ng in love. "Wala pa kami sa ganoong status, pero mas comfortable na kami. Wala nang hiya-hiya. Nangyayari na lang hindi dahil may movie kami, basta, mararamdaman n’yo na lang pag pinanood n’yo ang Now That I Have You," kuwento ni Bea na medyo nagi-spark ang mga mata.
Well, sooner or later, ang dialogue na ni Bea, "ang sarap palang ma-in love."
In any case, showing na on August 12 ang Now That I Have You.
Bukod sa maganda ang movie, kailangan din natin itong panoorin sa mga sinehan para naman kumita ang pelikulang Tagalog.
Source: Pilipino Star, August 7 2004
Article by: BABY TALK Ni Salve V. Asis
Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.