Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

Abante: Bea, na tense sa halik ni John Lloyd
Aug. 06, 2004

Ang paboritong eksena ni John Lloyd Cruz sa Now That I Have You ay ‘yung kissing scene nila ng ka-loveteam niyang si Bea Alonzo.

"Iyun ang favorite scene ko, when we kissed. Kasi, di ba, bata pa si Bea and she looks so innocent? Pero nu’ng mag-kiss kami, I found out na she’s pretty good! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Hindi nga, okey talaga siyang ka-kissing scene. I mean, walang malisya ‘yon or anything, pero ‘yun ang pinakanagustuhan kong eksena namin sa pelikula," napapangiting sey ni John Lloyd sa presscon ng Now That I Have You noong Miyerkules nang tanghali.

Kahit mas okey ang samahan nila ngayon ni Bea kumpara noon ay hindi siya naniniwala na dapat ay maging sila na sa totoong buhay ng kanyang ka-loveteam.

"We’re just going with the flow. Hindi kailangang maging kami dahil lang magka-partner kami o may movie kami. Basta alam ko na iniingatan ko siya at hindi ko napapasama ng loob niya, I know I’m doing a good job sa pagpapahalaga sa friendship namin.

"I hate labeling, eh. I don’t think you can label friendship and I don’t think you can label love.

"Ang mahalaga eh okey ang samahan n’yo at maganda ‘yung relasyon n’yo, hindi na kailangang i-label pa kung ano ‘yung nararamdaman n’yo.

"As much as possible, I’m hoping na sana huwag maging kami (ni Bea). Kasi, alam ko na kami rin ‘yung mahihirapan, eh.

"Kasi, magkatrabaho kami, di ba? Mahirap pag sinimulan mo nang pasukan ‘yan ng emosyon mo. Doon ako magsisimulang maging cynical na, ‘Paano na ‘yan?’

"Ganu’n na palagi ang iisipin ko sa relasyon namin. Maaapektuhan ‘yung professional side. Pag naging kami, parang ang feeling ko, start na ‘yon na tipong you’re putting an end to it. "Ang importante ngayon eh nag-e-enjoy kami sa ginagawa namin at masaya kami sa trabaho namin," pakli ni John Lloyd.

Hindi alam ni Bea kung paano siya magre-react sa sinabi ni John Lloyd na okey siyang kahalikan. Naiilang siya na natatawa sa sinabi ng kanyang kapareha.

"Nakakainis ‘yon! Hindi… kasi, actually, na-tense ako sa kissing scene namin na ‘yon. Kasi, hindi na siya ‘yung smack lang like before sa first movie namin na My First Romance. "Eto, medyo ano… hindi naman torrid, pero hindi na siya smack lang. Medyo may konting passion.

"I don’t know kung anong dapat kong i-react sa sinabi niya. Siguro, nakaka-flatter na rin," sey ng pretty young star, sabay smile.

Kung si John Lloyd ay mukhang nasarapan sa halik niya, siya ba, anong naramdaman niya? Nasarapan din ba siya?

"Ang pangit naman nu’ng nasarapan! Ha! Ha! Ha! Parang hindi maganda na sabihin ko ‘yon. Hindi ko alam, eh, hindi ko kasi siya iniisip. Ang alam ko, na-tense talaga ako sa eksena na ‘yon."

Eh, anong masasabi niya kay John Lloyd? Magaling din ba ang guwaping niyang ka-loveteam pagdating sa halikan?

"Hindi ko masasabi, kasi siya ‘yung first kiss ko, eh! Wala akong maiko-compare, kasi, siya pa lang ‘yung nakahalikan ko. Ewan ko kung magaling ba ‘yon, pero okey naman siya," natatawang sey ng 16 y/o na dalaga. Agree si Bea sa sinabi ng kapareha niya na hindi nila dapat pilitin ang isa’t isa na maging sila nang dahil sa kanilang loveteam o para lang matuwa ang mga tagahanga nilang dalawa.

"Wala po kaming plano na, ‘O, dapat ganito tayo because of the movie.’ Walang gano’n.

"Nagkakataon lang na natatapat sa amin ‘yung mga project na magaganda na bumabagay sa amin at lumalabas ‘yung chemistry naming dalawa.

"Choice ko ‘yon na huwag munang magka-boyfriend, pero hindi ako nagko-close ng doors ko kay John Lloyd. "I don’t know what can happen in the future, di ba? Siguro right now, mas mahirap kung magiging kami dahil mas lumalabas ‘yung best namin ngayon na magkaibigan lang kami."

Sa pelikula ay isa siyang modern young woman na hindi nahihiyang sabihin at iparamdam ang feelings niya sa lalakeng napupusuan niya, pero sa totoong buhay ay mukhang napakahinhin at napaka-naïve ni Bea. Magagawa rin kaya niyang maghabol sa isang lalake?

"Sa ngayon, hindi ko po kayang gawin ‘yon. Hindi ganu’n ang tunay na Bea. Pero hindi ko masasabi in the future dahil mahirap magsalita nang tapos na hindi mangyayari sa akin ‘yon, di ba?

"Pwede rin siguro na maging liberated ako in the future. Baka ako na ‘yung maghabol du’n sa guy kung talagang sobrang love ko siya! I don’t know, hindi ko masasabi…"

Source: Abante Tonite, August 2004
Article by: Allan Diones

Submitted by: Mabelle




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.