IN love ba si Bea Alonzo?
Kay John Lloyd Cruz, who is her leading man sa malapit nang i-showing na Now That I Have You?
Ang maliksing sagot ni Bea: "Naku, hindi po. At 16, 'di pa po ako puwedeng ma-in-love. Bata pa ako para magkaroon ng boyfriend."
Ganu'n pa man, marami ang nakapuna sa presscon for Now That I Have You na naggu-glow si Bea. Dahil pumayat, lalo siyang gumanda at sumeksi. E, 'di ba, ang isang babae, kapag gustong ma-attract ang isang lalaking kanyang nagugustuhan, kusang nagpapaseksi at nagpapaganda?
"E, ako po naman," ani Bea, "kaya ako nagbawas ng timbang ay para sa sarili. Ayoko hong mapikon kapag pinupunang mataba ako. E, tabain pa mandin ako."
But how does she exactly feel about John Lloyd?
"Well, I now feel comfortable with him," sagot ni Bea. "'Di katulad kasi nu'ng ginawa ang first movie together namin with John Prats and Heart Evangelista, na parang aloof siya. Ngayon, more relaxed at kumportable siya sa pakikipag-deal with me. Kaya, ganu'n din ako sa kanya."
Susog ni Direk Laurenti Dyogi, who is at the helm of Now That I Have You: "Napuna ko rin na iba na nga talaga ang relasyon ng dalawa. Which was an advantage to the movie. Sa kissing nila nahalata ko ito. Parang walang inhibitions si Bea. In fact, relaxed na relaxed siya in those kissing scenes. Yes, in both scenes na hinalikan, first, niya si John Lloyd. At nang pangalawa, si John Lloyd naman ang humalik sa kanya."
From John Lloyd naman: "I'd say that for someone na first time lang makipaghalikan, masasabi kong good kisser si Bea. Although talagang mild lang talaga ang halikang namagitan sa amin."
Like Bea, John Lloyd claimed that wala muna siyang balak ma-in-love sa kasalukuyan. And not because umaasa pa siyang magkakabalikan sila ng dating girlfriend na si Ciara Sotto, kundi dahil kapag umiibig siya, siniseryoso niya nang husto. Kaya, he always ends up na talagang nasasaktan, naaapektuhan masyado ang damdamin.
Ciara was John Lloyd's second serious girlfriend. Ang unang babaing kanyang inibig, when he was 16, ay si Kaye Abad.
Kaye, as we all know now, is going steady with Chito Miranda of the singing group Parokya ni Edgar.
Source: People's Tonight, August 6 2004
Article by: TATTLES ni Nel Alejandro
Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.