Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

Abante: John Lloyd, nasarapan sa halik ni Bea
Aug. 04, 2004

Kaabang-abang ang ending pelikulang Now That I Have You nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz kung saan naghalikan sila.

Natulala si John at sandaling nawala sa sarili. Napatingin lang sa EDSA ang aktor at napangiti.

May kakaibang kiliting naramdaman ang aktor sa halikang ito.

Ayon kay John Lloyd, ito ang pinakamasarap na kissing scene nila ni Bea sa buong movie at pinaka-memorable.

"Iyung sa una naming movie, smack lang ‘yon. Pero dito, iba, eh. Masarap ngayon.

"Sa umpisa, naging conscious ako na baka isipin ni Bea na nagti-take advantage ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung paano gagawin, kung dapat ko bang ibuka `yung bibig ko o hindi.

"Nu’ng mag-take na, hindi ko na alam kung paano nangyari. Ginawa ko lang `yung dapat kong gawin for the scene.

"I don’t know, nakabuka `yung lips ko," napapangiting sabi ni John. May responses daw si Bea sa kanilang halikan na lalong nagpasarap sa naramdamang kiliti ni John.

"Iyung scene kasi, nasa overpass kami ng MRT. After doing that scene, I found myself na nakatingin lang sa EDSA at nakangiti lang ako.

"Iyung kasama naming theater actor sa movie, hindi ko alam, nakatingin pala sa akin.

"Pagharap ko, nakangiti siya na parang sinasabi niyang, ‘Ikaw, ha?!’ "It was a very pleasant feeling," sey pa ni John Lloyd.

Kung hindi lang daw pagod sa shooting, baka hindi nakatulog agad si John Lloyd sa naranasang kiss kay Bea. May kakaibang glow ang kanyang mga mata at ngiti kapag binabalik-balikan niya ang eksenang iyon.

"Naalala ko lang `yung nangyari kapag napag-uusapan. Gaya ngayon," paliwanag niya.

Inaamin ni John na pinipigil niya ang sariling ma-in love kahit kanino lalo na kay Bea dahil hindi pa siya handang magkaroon muli ng commitment.

Source: Abante, August 2004
Submitted by: Mabelle




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.