Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

Pilipino Star: John Lloyd, feel na feel ang halikan nila ni Bea !
Aug. 04, 2004

Hindi itinatanggi ni Director Lauren Dyogi na may pressure sa kanya ang pelikula niya na nakatakdang ipalabas, ang Now That I Have U starring John Lloyd Cruz and Bea Alonzo sapagkat ang pinakahuli niyang ginawa, ang Aga Muhlach/Kristine Hermosa starrer na All My Life ay mahigit sa P100M ang kinita sa takilya.

Sa panahong ito na patay na raw ang industriya ng pelikula, maswerte pa rin ang Star Cinema na tinatangkilik ng mga manonood ang ginagawa nilang pelikula.

"Umaasa na lang ako na sana ay maging kasing-lakas ng kita ng All My Life ang kikitain ng Now That I Have U bagaman at magkaiba ang dalawang pelikula, ang isa ay tragedy at isang feel good movie naman ang ikalawa," ani direk.

Itinanggi rin ni Direk Lauren na siya ang naka-diskubre ng tandem nina John Lloyd at Bea. "Kay Inang Olive Lamasan dapat mapunta ang credit. Napag-utusan lamang ako nina Charo at Malu Santos at Inang Olive na idirek ang dalawa sa kanilang first team up kaya akala ng lahat ako ang bumuo ng tandem nila," paglilinaw ni Direk Lauren.

Kung papipiliin siya kung ano ang pinaka-magandang eksena niya sa pelikula, pipiliin niya yung final scene na kung saan ay hinahabol ni John Lloyd si Bea. Ito rin ang paboritong eksena ni Bea. Pero, si John ay ang halikan nila ni Bea ang itinuturing na best scene ng movie. "Sabi ni Bea, hindi pa siya nahahalikan o nakakahalik pero, sa pelikula namin, napatunayan ko na ang galing niyang humalik," sabi nitong sabay halakhak.

Naniniwala ako na magkaibigan pa rin sina John Lloyd at Bea, hindi pa lumalampas sa hangganan ang kanilang relasyon. Pero, alam ko rin na dito rin sila patungo. It’s just a matter of time. Lalo’t sinasabi nila parehong komportable sila sa isa’t isa kahit pa sinasabi ni Direk Lauren na hindi niya halos mapaniwalaan na magagampanan ng dalawa ang ka-nilang mga romantic roles dahil sa set ay madalas nakikipag-text si John Lloyd at si Bea naman ay nagbabasa ng libro. Nagugulat na lamang siya kapag nakikita sa screen na nakakakilig nilang loveteam.

Source: Pilipino Star, August 5 2004
Article by: SANGA - SANGANDILA Ni Veronica R. Samio




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.