Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Insider: When Love Comes In!
July 29, 2004

BEA
Masaya’t may pagkakikay si Bea Alonzo nang humarap sa mga reporter ng Now That I Have You. In character siya’t ganu’n din ang role niya sa second teamup nila ni John Lloyd Cruz. Sinasagot niya ng biro ang mga pagbibiro ng leading man at hindi rin nagpayanig sa mga pasindak na tanong ng press.

Palaban ang young actress that afternoon at “Oo” agad ang sagot kung first kiss niya ang aktor, with matching ngiti pa. Una siyang nahalikan ni John Lloyd sa soap opera nilang Kay Tagal Kitang Hinintay when she was only 15. Nakaw ang halik na ‘yun dahil wala sa script at inutusan lang si John Lloyd ng kanilang director.

Nang ipa-rate si John Lloyd sa kanilang kissing scene, nine ang ibinigay ni Bea na rating – sa scale from one to 10 – na ikinatawa ng aktor. Magiging 10 tiyak ang rating niya sa kapareha kapag nakunan na ang sinasabi ng aktor na highlight ng kanilang kissing scene.

Ibinalik din ni Bea kay John Lloyd ang pagtatanong kung sino ang tinutukoy nitong bubot nang banggitin ng aktor na hindi na siya bubot makipag-kissing-scene.

Nakagugulat dahil hindi ganu’n ka-open dati si Bea – an d I’m sure, pati si John Lloyd, nagugulat.

“Ibang-iba ito sa first movie namin ni John Lloyd. Drama ‘yung My First Romance; this time may pagka-comedy at bagets na bagets ang dating ng movie. Nakakatawa ito’t maraming bago sa characters ko,” pag-i-introduce ng young actress sa kanyang papel.

Nagustuhan namin ang sagot ni Bea sa tanong kung ‘di ba siya napi-pressure na kailangang kumita ng malaki ang pelikula nila ni John Lloyd dahil ang last movie ng Star Cinema – ang All My Life, na idinerek din ni Laurenti Diyogi – ay kumita na ng P175 million.

“Ini-enjoy ko na lang, ayokong magpa-pressure, pero sa kumita. Gagawin na lang namin ang lahat para iparating sa tao na maganda ito. At least, na-experience kong makatrabaho uli si Direk Lauren, maganda ang script ni Direk Joey Reyes, magagaling ang kasama ko sa cast, at pati theme song maganda. Marami rin kaming kilig moments. Feel-good movie ito.”

Masaya si Bea na si Lauren ang humawak ng pelikula; sa director nagsimula ang loveteam nila ni John Lloyd. Alam ni Lauren kung paano sila i-motivate at, higit sa lahat, masaya siyang katrabaho.

Sinang-ayunan ni Bea ang ipinahayag ni John Lloyd na mas comfortable na sila sa isa’t isa. Sila ay mas nakakapag-usap, nakakapagtawanan at nakakapagbiruan, na hindi nila nagawa nu’ng mga unang taon nilang magkatrabaho. Ang problema raw sa kanilang dalawa’y they couldn’t let go of their feelings, lalo na sa kaso ng aktor dahil committed siya that time kay Ciara Sotto.

“Thank you naman kung sinabi niyang may part ako kung bakit nakakapag-move-on na siya. Ayoko lang makita siyang malungkot, kaya pinapatawa ko. Nagdyu-joke ako, na ikinatatawa niya. Sana, maging close pa ang samahan namin at mawala na totally ang awkwardness sa amin,” wish ni Bea.

Noon pa inamin ni Bea na crush niya si John Lloyd. Hindi kami magugulat kung mauwi sa love ang kanyang admiration sa katambal ngayong libre na itong magmahal at umibig sa iba. Kailangan lang maging careful ni Bea; afterall, narinig naman ng dalaga ang sinabi ni John Lloyd na pagdating sa panliligaw, mas gusto pa rin niyang siya ang naghahabol at ‘di siya ang hinahabol ng babae.

Hindi maipaliwanag ni Bea kung bakit nag-click ang loveteam nila ni John Lloyd gayong malayo ang kanilang edad. Pero, nagpapasalamat si Bea na si John Lloyd ang ibinigay na kanyang ka-loveteam since mabait, tahimik at magaling na aktor at marami siyang natutuhan pagdating sa acting.

Nagpapasalamat din si Bea sa mga tagahanga na laging sinusubaybayan ang kanilang tambalan sa pelikula at telebisyon. Ang patunay nito’y ang mataas na rating ng soap opera nilang It Might Be You at malaking kinita ng My First Romance.

Alam ni Bea na darating ang araw na kailangan siyang itambal sa ibang aktor, pero ayaw niyang isipin ang pagdating ng panahon na maghihiwalay sila ni john Lloyd.

“Pwede pa rin naman akong makipagtambal sa iba, susunod lang ako sa decision ng Star Cinema at ABS-CBN. Pero, iba ang loveteam namin ni John Lloyd dahil nauna na at may pinagsamahan na kami. Ayokong mabuwag ang loveteam naming, lalo na ngayong nag-i-start na kaming maging close.” sabi ni Bea *

JOHN LLOYD
Biniro namin si John Lloyd Cruz na nagpi-flirt siya kay Bea Alonzo sa presscon ng Now That I Have You, na itinanggi niya. Naisip namin that he was flirting with his leading lady dahil sa kanyang mga ipinahayag.

Halimbawa, “andiyan naman si Bea, nang tanungin kung bakit wala siyang lovelife ngayon. Heto pa ang isa: “Sa first kissing scene naming, medyo lumabas…”(Hindi niya nilinaw kung ano ang lumabas.)

Flirting or not, ikatutuwa ng mga tagahanga nina John Lloyd at Bea ang muli nilang pagtatambal sa pelikula. Nakakasiguro na ang Star Cinema na tatangkilikin ito ng tao gaya sa nangyari sa first movie nina John Lloyd at Bea na My First Romance.

Mas mag-i-enjoy ang fans sa bagong pelikula ng dalawa dahil sila lang ang bida at walang kahati na ibang loveteam.

“Nakakatakot din ang magkaroon ng solo movie dahil kami lang ni Bea rito. Doon sa first movie naming, kasama namin sina Heart Evangelista at John Pratts; tulungan sa promo. But we can assure the fans na magugustuhan nila ito; parang movie ni Meg Ryan sa States-novelty, pero kilig movie siya at very now ang treatment,” paunang salita ni John Lloyd.

Kung si Bea ay si Meg Ryan, ibig bang sabihin ay siya naman ang Tom Hanks ng Pilipinas? Remember Sleepless In Seattle and You’ve Got Mail movies nina Ryan at Hanks?

“I wish,” natatawang sagot ng aktor.

Nang gawin nina John Lloyd at Bea ang My First Romance, halatang ingat na ingat ang aktor sa pagbibigay ng papuri sa kanyang leading lady dahil, that time, girlfriend niya si Ciara Sotto. Tingin nga naming, coworker lang talaga ang tingin niya kay Bea, pero, sa presscon ng Now That I Have You, ibang John Lloyd na ang aming narinig. Sabi niya, malaki ang ipinagbago ng relationship nila ni Bea. Para sa amin, siya ang nagbago.

“Masasabi kong napaka-comfortable ko na sa kanya. Nagbibiruan at nag-aasaran na kami. She’s also more comfortable with me now. Ang ‘di ko na lang nagagawa’y mag-share ng problem sa kanya; kailangan pa namin ng mas malalim na panahon na makilala ang isa’t isa. Gusto kong i-enjoy muna ang company namin dahil ngayon lang kami nagging friends.”

Inamin ni John Lloyd na ang past relationship niya kay Ciara ang pumigil para maging close sila ni Bea nu’ng ginagawa nila ang Kay Tagal Kitang Hinintay at My First Romance.

“Lahat tayo aware I had a thing in the past, my girlfriend. Medyo uptight kami ni Bea sa isa’t isa that time. Nahihiya si Bea na maging close dahil baka ma-misinterpret siya kung maging friendly sa akin. Ako naman, I was being careful, conscious ako. Hindi ko naisip na pwede kaming maging friends kahit may GF ako. May mga bagay akong nalaktawan dahil na-conscious ako sa pag-iingat. Marami kaming na-miss-two years na kaming magkasama-pero, feeling ko, ngayon lang nagsisimula ang getting-to-know-each other stage sa amin.”

Physically, kinakitaan din ni John Lloyd ng malaking pagbabago si Bea. Aniya, ang laki ng iginanda ng young actress-at knowledgeable siyang magsabi nito dahil nasubaybayan niya ang development ni Bea.

“If you’ll ask me if I’m attracted to her, oo naman ang sagot ko, lalo na ngayon. Sa mga eksena naming nagtitigan kami, doon ko mas napapansin ang malaki niyang iginanda. Hindi ba katipo na niya sina Kristine Garcia at Bianca Araneta,” tanong niya sa mga nakapaligid na reporter, na agad sumang-ayon sa kanya.

Naka-relate si John Lloyd sa papel niya sa Now That I Have You: as Michael, he finds it hard to move on at hindi alam how to let go of his past.

Ikinuwento ni John Lloyd na nahirapan siya after his break up with Ciara. In fact, inamin ng binata na hindi pa totally out of his system si Ciara at tini-text pa rin niya ang ex-GF paminsan-minsan at binati nang mag-birthday on July 4.

“I think I’m moving on. ‘Pag natuto naman ang isang tao, madali ang acceptance at nagiging kontento sa buhay. Napansin ko ring naaapreciate ko ang paligid ko ngayon, dati’y ‘di ko magawa. Bea is a big help for my moving on, malaking part ang naitulong niya. She’s not aware na nailalabas niya ang kid in me ‘pag kasama ko siya. Malaking factor ‘yung napapagaan niya ang feeling ko,” sabi pa ni John Lloyd.

Kung gagawing career ni Bea na makalimutan ni John Lloyd si Ciara, kailangan niyang mag-double-time. Nakaukit pa sa puso ng aktor ang ex-GF, kahit pa ipinaPI (o Private Investigator) siya ng family nito.

“Two years din ang relationship namin at ‘di ko basta-basta makalilimutan. Siya ang pinakamalalim kong relationship at ‘di ko pwedeng i-deny that I still care for her. But at the same time, I have to accept na wala na kami. Tragic ang naging ending naming, pinag-usapan at maraming nakialam. Na-trauma ako,” pag-amin ng aktor.

“Tungkol naman sa pagpapa-PI nila sa akin, wala akong masabing ‘di maganda sa kanila. Normal sa relationship na may nararamdaman silang hindi maganda sa part ko. Anuman ang naramdaman nila, it’s normal. Ako ang tipo ng tao na ‘di nagtatanim ng sama ng loob. They’re good people- Tito Sen (Tito Sotto), Tita Helen at mga kapatid ni Ciara. Sobra ang pakikitungo nila sa akin,” banggit ni John Lloyd.

Pagod physically si John Lloyd dahil, bukod sa pelikula, tuloy ang taping nila ni Bea ng It Might be You – at brokenhearted din siya. Ang nakakatanggal lang ng pagod ng aktor ay ang makitang natulungan niyang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.

“After each day, pag-uwi ko at Makita ko ang family ko na masaya sa bunga ng pinaghirapan ko, nababawi ang pagod ko. Gusto kong tumagal sa showbiz. I have dreamt being an actor-ayokong mapagod at mapapagod ka lang ‘pag ‘di ka nag-i-enjoy,” pagtatapos ni John Lloyd.

Source: Insider, July 2004
Article by: Nitz Miralles

Submitted by: Khaye




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.