Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Pilipino Star: Patay na ang pelikulang Pilipino
July 28, 2004

Ito ang pahayag ng magaling na direktor at scriptwriter na si Joey Javier Reyes na sinang-ayunan ng maraming kaharap niya sa mesa kahapon ng hapon sa isang kainan na matatagpuan sa ABS CBN compound. Humarap si Direk Joey sa ilang piling media bilang scriptwriter ng nakatakdang mapanood na obra ni Laurenti Dyogi para sa Star Cinema, ang Now That I Have You, isang contemporary love story na nagtatampok sa isa sa pinakasikat na loveteam ng Dos na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Bagaman at nakakalungkot na katotohanan ito, hindi ko mapigilan na sumang-ayon sa kanya dahil sa nakakadismayang resulta sa boxoffice ng nakaraang Manila Film Festival na marami rin naman sa ipinalabas ay magagandang pelikula, tulad ng Naglalayag, Sabel, Kulimlim, to name a few. Mas malaki pa ang kita ng isang araw na pagpapalabas ng Spiderman kesa sa 10 araw na pagpapalabas ng mga pelikulang Tagalog.

"Maraming dahilan kaya nangyari ito. Una, TV na ang medium ng manonood ngayon," panimula ng magaling na direktor. "Malaking dahilan din ang pagiging highly politicized natin ngayon. Wala ring suporta ang ating gobyerno. Ang filmfest naman ay ginagawa na lamang para sa kapakanan ng mga mayors.

"May mga malalaking movie outfits, pero, hirap din sila tulad ng Star Cinema, GMA at maging ang Regal. Sabi ko nga sa mga kapwa ko direktor, kami na lang ang gumawa ng pelikula. Marami pa rin namang artista ang pwedeng mapakiusapan tungkol sa TF. Tapos dalhin na lamang namin ang mga ito sa abroad at ilaban sa mga international filmfest.

"Kapag nanalo ang mga ito dun, panonoorin na ang mga ito rito.

"Ang problema kasi, ang baba na ng tingin ng tao sa mga Filipino movies in general, minamata nila ito. Tulad ba nung mga early 50s na inismol natin ang mga local movies, bumalik na ang ganitong attitude."

Bilang scriptwriter, marami nang nagawang magagandang pelikula si Direk Joey, maganda na may award pa. Kaya marami ang nagtataka kung bakit matagal bago siya gumawa ng mga kwento para sa pelikula. "Wala kasing humihingi. Kung meron, tatanggi ba ako?

"Tulad ni Lauren Dyogi, early 90s pa nang isumpa ko na kapag nagdidirek na siya ay igagawa ko siya ng script, PA pa siya nun. Nang tawagan niya ako para hingan ako ng istorya, ibinigay ko ang Now That I Have You. Apat na araw ko lang itong ginawa.

"Isa itong romantic comedy na iniba ko ang characterization ni Bea Alonzo, binigyan ko ng twist, iba sa mga characters na ginagampanan niya sa soap. Pero, kapag pinanood mo ay sasabihin mo na may ganung tao talaga. Ako ang character ni Bea.

"Parang Serendipity yung istorya, tungkol sa paghahanap ng isang ideal na ka-partner na kapag nakita mo na ay sasabihin mo na hindi yun ang hinahanap mo. Para ring Falling In Love nina Meryl Streep at Robert Deniro na kung saan ay mas agresibo ang babae kesa sa lalaki. Iba talaga ang character dito ni Bea."

May nagtanong kung bakit hindi siya nag-a-attend ng presscon para sa Now That I Have You.

"Ayaw ko namang makaagaw pa ng eksena. It’s Lauren’s ballgame. Alam n’yo naman ako, madaldal, baka kapag naro’n na ako, hindi na ako tumigil ng kasasalita."

Sa kasalukuyan, panay ang pagtatrabaho ni Direk Joey. Bukod sa pagdidirek at pagsusulat ng istorya sa pelikula ay nagtuturo pa rin siya ng scriptwriting sa UP.

"Nag-iipon kasi ako, kailangan ko ng pera para sa isang mahabang bakasyon dahil gagawin ko na ang secod docu ko at kailangan kong bumili ng camera."

Nagbago na rin ang pananaw ni Joey sa buhay. Kung dati ay work to death siya, hindi na ngayon, ini-enjoy na niya ang kanyang buhay.

"Paano ba naman, dati takot na takot ako na tumandang walang mag-aalaga sa akin. Hindi na ngayon. Basta ang gusto ko ay gumawa ng something new while I can still do it. Also, I’m no longer threatened by people who are better than me.

"I can tell you now that I’ve never been happier.

"I’m also happy dahil ang unang libro na isinulat ko ay nominated sa National Book Awards."

Sporting an impressively slimmer figure, ang fifty-something writer/director ay hindi napagod sa kanyang walang habas na pagkukwento. Tama nga siya sa kanyang pasya na huwag nang dumalo sa pa-presscon para sa Now That I Have You, masasapawan talaga niya ang kahit pa magaling ding magsalita at equally good director na si Lauren Dyogi.

Source: Pilipino Star, July 29 2004
Article by: SANGA - SANGANDILA Ni Veronica R. Samio




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.