SECOND movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang Now That I Have You.
Mismong sa kanila umiikot ang istorya, kaya parehong kinakabahan sina John Lloyd at Bea dahil first time talaga nilang magdadala ng movie na sila ang bida. Sa first movie nilang My First Romance, kahati sa credit sina John Prats at Heart Evangelista.
Sabi nga ni John Lloyd: "Ibang-iba ang Now That I Have You sa first movie namin. Nakatatakot nga dahil sa amin mismo ang istorya, unlike sa My First Romance. Pero ginawa namin ang lahat para mapaganda ang movie naming ito."
Ani Bea: "Mas liberated naman ang role ko rito. Ako ang humahabol sa lalaki. First time ko ring magiging kikay. Ibang-iba ito sa first movie namin at teleserye namin noon na Kay Tagal Kang Hinintay at ang It Might Be You namin ngayon."
Inamin ng dalawa na ngayon lang sila nagkakakilalanan, dahil may girlfriend dati si John Lloyd.
"Comfortable na ako kay Bea. Nakikipagbiruan na nang husto, unlike before. 'Yung sinasabi ninyong bonding ay wala pa totally, but we are in a part of enjoying the situation. And I believe she's now more comfortable than before. Naka-move-on na kasi ako. Kung noon ay parang hindi ko matanggap ang nangyaring breakup sa amin ni Ciara [Sotto], now I must say na puwede ko nang matanggap — pero 'yung makalimutan siya, hindi. Hindi ko puwedeng i-deny na I still care for her. But Bea is a big help. Malaki ang naging parte ng pagtulong niya sa akin before, a big factor kung bakit magaan ang pakiramdam ko ngayon," ani John Lloyd.
"Ako naman, mas nakikilala ko na siya. Feeling ko nga, ngayon lang nag-start ang getting-to-know-each-other namin, eh," ayon kay Bea.
Hindi nagkaproblema ang direktor ng Now That I Have You na si Laurenti Dyogi dahil ini-enjoy na ng dalawa ang isa't isa.
Sinabi nina John Lloyd at Bea na maraming kilig moment ang pelikula. Like, ang kanilang kissing scene.
Hindi napigilang aminin ni John Lloyd: "Napakalambot talaga ng lips ni Bea. Tatlong beses ko na siyang nahalikan, actually. Una, sa teleserye namin noon na Kay Tagal Kang Hinintay; then sa first movie, My First Romance; at third dito sa Now That I Have You. Pero, dito sa movie namin ngayon, nu'ng hinalikan niya ako, hindi na siya bubot, eh."
Kasama nina John Lloyd at Bea sa Now That I Have You ng Star Cinema sina Nikki Valdez, Kristopher Peralta at Lui Villaruz.
Source: People's Tonight, July 26 2004
Article by: E-TALK ni Beth Gelena
Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.