Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Moviestar: Writeup ni Lotlot Antazo
July 24, 2004

Mula nang mag-break sina John Lloyd at Ciara ay naging close sa kanya ang binata: "I'm not committed to anyone kaya walang problema kung maging close man kami ni John Lloyd lalo na ngayong almost everyday kaming magkasama" -- Bea Alonzo

She's young. She's fresh and she's very beautiful. She's fast rising star and she has what it takes to be the next big and important star of today's generation.

Ito ang mga qualities ni Bea Alonzo kaya siya ang kinuha ng may-ari ng Karimadon na si Mrs.Josie Go para maging image model nila.

Bea is truly a role model for the youth dahil sa murang edad niyang 16 turning 17 on October 17 ay isa siya sa hinahangaan ng mga kabataan dahil sa kanyang kagandahan, kabaitan at ang pagiging mahusay na actress. Ito rin ang dahilan kung bakit isa siya ngayon sa mga artistang may pinakamaraming TV commercials and print endorsements. Ilan dito ay ang Johnsons & Johnsons, Charmee, Porsche Jeans and Shirts, Kara Nina at Outland Footwear.

Ano ang feeling at marami ang nagtitiwala sa iyo at ikaw ang sinasabing commercial princess ngayon?

"Siyempre, thankful ako sa lahat ng blessings. I feel very flattered and honored dahil sa tiwalang pinagkakaloob nila sa akin. I hope I can live up to their expectations especially being an effective endorser," say ni Bea during the presscon ng nasabing clothing line sa Lolo Mao resto sa Podium kamakailan. Isang bagay din kung bakit di nahirapan si Bea na tanggapin ang offer ay dahil gusting-gusto niya ang simple, trendy and at the same time comfortable outfit na meron ang Karimadon kaya grab niya kaagad ang opportunity.

Bukod dito ay abala rin si Bea sa kanyang teleseryeng It Might Be You at sa ASAP. Malapit na ring ipalabas ang launching movie nila ng ka-loveteam niyang si John Lloyd Cruz na may titulong Now That I Have You under Star Cinema.

Kamusta na ba sila ngayon ng binata na kapansin-pansin ang closeness lalo't nag-break na sina John Lloyd at ang syota nitong si Ciara Sotto?

"Almost two years and a half na kaming magka-loveteam ni John Lloyd and so far, we are really enjoying each other's company. Almost everyday kaming magkasama so, weird naman kundi kami magiging close sa isa't isa. Friends kami and now that I'm committed to anyone, walang problema," dagdag pa niya.

Sa nasabing pelikula ay totally different character ang ipo-portray niya.

"Kikay ang role ko this time na humahabul-habol kay John Lloyd. Promise, this is really a feel good movie at talagang maaaliw kayo directed by Laurenti Dyogi."

Handa na ba siya na one day ay possible ring mabuwag ang tambalan nila ni John Lloyd gaya ng nangyari sa loveteam nina Piolo-Juday, Jericho-Kristine, John-Heart atbp?

"Aware naman ako na di talaga puwedeng maging forever ang loveteam namin ni John Lloyd pero ayoko namang bigla-bigla na lang mabubuwag yung sa amin. Siyempre, napamahal na sa akin ito at gusto ko rin naman kung mangyari yon eh, at least may maiiwan na mgagandang alaala sa tao yung loveteam namin ni John Lloyd," say pa niya.

Next year ay magiging ganap na dalaga na si Bea dahil magde-debut na siya at tiyak na bibigyan siya ng bonggang party ng ABS-CBN dahil isa siya sa pinaka-importanteng youngstar ng nasabing istasyon?

"Actually, mas gusto ko talaga sanang mag-tour sa Europe or States sa debut ko instead of having a grand party. Pero kung bibigyan ako ng party ng ABS, why not, di ba? Pero it's too early naman to plan for it dahil next year pa naman yun. Let's just wait and see what will happen," say pa ni Bea na nag-aaral ng Home Study Program sa Angelicum at kasalukuyang nasa third year high school.

Kapansin-pansin ang malaking ipinayat niya sa kaya tinanong namin kung anong klaseng pagdidiyeta ang ginagawa niya? Na-conscious ba siya dahil marami ang pumupuna noong tumataba siya?

"Sa totoo lang, na-challenge talaga ako dun sa mga nababasa kong ang taba ko nga raw kaya nag-diet talaga ako. Although minsan, ay hindi ko talaga mapigilan ang pagkain but I make it a pointto exercise para ma-burn yung fats ko. I have no time to go to the gym pero nagtri-treadmill ako sa bahay namin."

Speaking of bahay, kamusta na ang nabili niyang 3 storey-house sa Taguig?

"Well, malapit na itong ma-fully paid kaya happy ako at may naipundar na ako na galling sa showbiz income ko," pagwawakas ng very pretty and charming na si Bea sa aming chikahan.

Source: Moviestar, July 27 2004
Article by: Lotlot Antazo

Submitted by: Emilie




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.