Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ People's Tonight: Bea magse-sexy na!
July 25, 2004

NAGBUNGA ang effort ni Bea Alonzo na magpapayat. Lalo siyang gumanda at sumeksi.

Nu'ng una, hindi siya masyadong conscious about her body. Ang binibigyan lang niya ng importance ay ang kanyang acting.

Pero na-pressure na rin siyang magpapayat dahil kailangan para sa papel niya na may pagka-liberated sa latest offering ng Star Cinema, ang Now That I Have You. At para 'di malimitahan ang mga parte na puwede niyang gawin in the future.

Open si Bea sa tipo ng role that Claudine Barretto portrayed in Kailangan Kita. Willing siyang magpaseksi nang konti sa pelikula.

"At gusto ko rin kasi na ma-open sa mind ng tao na once na magpaseksi ka, it doesn't mean gusto mong magpapansin. It's just that gusto mo lang ma-explore 'yung craft mo. Na ito ang nangyayari sa totoong buhay and it's not bastos," lahad ni Bea.

Na-appreciate ni John Lloyd Cruz, kapareha ni Bea sa Now That I Have You, ang pagpayat ng aktres. Na-conscious daw kasi si Bea every time na pinapansin ni John ang kanyang braso noon.

Inamin ni Bea na mas kumportable na sila ni John sa isa't isa at nakikilala na niya nang husto ang ka-loveteam.

May nagsasabi na malaking tulong ang paghihiwalay ni John at ng dati niyang girlfriend na si Ciara Sotto. Tingin ng marami, naging hadlang si Ciara sa pagbuo ng "closeness" nina John at Bea.

"Hindi naman, pero, siguro, sarili ko na rin 'yung naglalagay ng wall at 'yung sarili rin ni John Lloyd para hindi magkaroon ng problema, that's why," explain ni Bea.

Naniniwala si Bea na darating din ang tamang panahon para sa kanila ni John or kung sinuman ang guy na ipagkakaloob sa kanya.

"Ibinibigay naman ni Lord sa akin lahat ng blessings at the right time. Kung darating man siya, feeling ko, right time na 'yun at feeling ko hindi niya ako masyadong papahirapan.

"Saka, if ever na dumating siya, I'm sure naman si John Lloyd, bibigyan din ni Lord ng para sa kanya. Kasi, naniniwala ako sa destiny, e. Kung kayo, kayo talaga."

Source: People's Tonight, July 25 2004
Article by: S FACTS ni JULIE BONIFACIO

Submitted by: Khaye




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.