Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Moviestar: Writeup ni Rohn Romulo
July 24, 2004

Marami na ngang pagbabago ang naganap sa loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, na naging matatag dahil sa pagsasama nila sa It Might Be You at ngayon naman ay may follow-up movie na sila sa Star Cinema, ang Now That I Have You na ipapalabas na sa August 11.

Ayon kay John Lloyd, mas close at open na sila ngayon ni Bea.

"Maraming pagbabago, I can say now na napakakomportable ko na kay Bea. To the point na nakakapagbiruan na kami, nakakapag-asaran na kami. Although, I just have to admit na, yun bang certain sense of bonding, wala pa yun. Kasi sa ngayon, kahit na okey na kami, hindi pa kami nagkakasabihan ng mga problema namin."

"Nasa point pa lang kami na ini-enjoy namin ang sitwasyon at ang bawat moment namin together. Pero I can say, na marami talagang nabago and I believe she is more comfortable with me now than before."

Sa ganda ng tinatakbo ng kanilang samahan. Bakit nga ba parang nahihirapan silang dalawa na i-let go ang damdamin nila sa isa't-isa kung meron man?

"Lahat naman siguro tayo na aware na I have a thing in the past, may girlfriend ako. Actually, It was something personal kung bakit hindi kami gaanong makapag-usap ni Bea or medyo uptight kami sa isa't isa. Siguro si Bea, nahihiya dahil baka mamis-interpret ng mga tao kapag kinausap niya ako at maging friendly siya sa akin. Kasi hindi naman maiiwasan yun, babae siya at bata pa."

"Ako naman, I was being careful, baka sabihin kasi ng ibang tao na may girlfriend na ako ay nakikimabutihan pa ako sa ka-loveteam ko. Masyado akong naging conscious doon dahil ingat na ingat ako, hindi ko naisip na pwede kaming magkaibigan. May mga bagay akong na-miss o nalaktawan, especially sa pagsasama namin ni Bea, dapat pala ginawa ko na maging close sa kanya, kaya ngayon pa lang kami nag-i-start na magkakilala nang husto," sabi niya.

Sa totoong buhay ba, naka-move on na siya sa pagbi-break nila ni Ciara Sotto na hanggang sa huli ay pilit nilang sinasagip and kanilang relasyon?

"Yeah, I would say so," mabilis niyang tugon. "I think that I'm moving on. Kapag natuto naman and isang tao na ma-appreciate yung mga nasa paligid mo at maging kuntento sa kung anong meron at wala ka."

"I think, lahat ay susunod doon. So, kahit paano ay naka-move on na ako. But it's something na puwede mong kalimutan, pero it's something na puwede mong matanggap."

"I think, malaki ang difference nu�ng makalimutan sa matanggap. I don't think meron akong ex na makaka-limutan ko although lahat ng ex ko natanggap ko kung ano ang nangyari sa amin. Pero hindi ko naman pwedeng I-deny na I still care for Ciara, I don't think na mawawala yun. Kasi yung mga exs ko, I care for them."

Nakakatulong ba ng malaki si Bea para mag-move siya?

"Malaki yung part na naitulong niya sa akin para maka-move on ako. Kasi si Bea, hindi siya aware na napapasaya niya ako. Sinasabi niya na komedyante ako, na meron palang brighter side ni John Lloyd."

"Pero si Bea, nailalabas niya yung kid in me. So, I think, yun ang malaking part sa pagkatao ko, sa personality. Ang haba ng panahon na marami akong dinaramdam at dinadala. Pero kapag nakakasama ko si Bea, kasi halos araw-araw kaming magkasama sa taping at sa shooting, so, yun and nailalabas niya sa akin at nai-enjoy ko naman yung ginagawa niya."

"So, I think, yon yung pinakamalaking factor kung bakit gumaan ang mundo ko. Kung bakit gumaan ang pakiramdam ko, kaya malaki ang pasasalamat ko kay Bea," pahayag pa niya.

Kahit si John Lloyd ay aminadong nag-enjoy siya nang halikan niya si Bea sa big screen.

"May nakakatawang eksena yung kissing scene namin ni Bea, maganda talaga. Of couse, nag-enjoy ako, saka ang lips niya ang lambut-lambot, bata pa kasi," pag-amin pa niya.

"Although, first kissing scene namin sa Kay Tagal kang Hinintay. Dito sa movie, hindi sinabi sa kanya, inutusan lang ako ni direk na halikan siya. Tapos ginawa ko, kaya doon sa eksena makikita talaga ang reaksyon niya, talagang gulat na gulat siya."

"Pero kinakabahan din ako, kasi ako yung humalik eh, lalo na hindi niya alam, baka mamaya isipin niyang nagti-take advantage ako, na hindi ko naman ginagawa."

Source: Moviestar, July 27 2004
Article by: Rohn Romulo

Submitted by: Emilie




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.