Recently uploaded:

Abante: Nakakikilig ang katapusan ng 'It Might Be You'
Dec. 07, 2004

Abante: Network war lalong lumalala
Dec. 01, 2004

^ Buzz Magasin Reload: Mas Sikat na Kay Kristine Hermosa?
Nov. 22, 2004

^ Hi! Magazine: Alagang-alaga
Nov. 22, 2004

Inquirer: John Lloyd's fears
Nov. 18, 2004





To submit a magazine or news article, please email it at bea.online@gmail.com - thank you.

^ Buzz Magasin: John Lloyd nadama ang importansya ni Bea!
July 24, 2004

Naging bukas na aklat ang dalawang taong nagin relasyon nina John Lloyd Cruz at Ciara Sotto na inayawan naman ng mga maka-Bea Alonzo-John Lloyd Cruz followers. Parang pag-iibigang Romeo and Juliet daw ang nangyari kina Ciara at John.

Ikinalungkot ng ibang malalapit sa dalawa ang paghihiwalay nila. Career ang sinisi ng ilan, pero ang pamilya ni Ciara ay naintriga rin. Nandiyan din ang pressure at tension sa parte ni John Lloyd dahil naiipit ito sa tambalan nila Bea. Naglalabasan pa ang mga balita na madalas daw nagkikitang naglalasing nang sobra-sobra ang young actor, bagay na inayawan daw nina Sen. Tito Sotto at Ms. Helen Gamboa sa boyfriend ng bunso nilang anak.

Naging usap-usapan din ng madalas na nakikitang kasa-kasamang lumalabas ang aktor ang actress na si Jean Garcia. Nababalita rin na natutulog umano ang aktor sa bahay ng mahusay ng kontrabidang actress.

Sa break-up ng dalawa, si Ciara ang nagdesisyon na tapusin ang relasyon nila. Hindi naman itinago ni John Lloyd kung gaano niya kamahal si Ciara at kung gaano niya pinagsisihan ang mga pagkukulang na nagawa niya sa ex-girlfriend. Kaya maugon uli ang tsika na nagkabalikan daw ang dalawa. Pero hindi rin nagtagal at and dalawa na talaga ang nagpasyang tapusin ang lahat.

Ang tiyak na ikatutuwa ng Bea-John fans ngayon ay pagkamulat ng young actor sa kahalagahan ni Bea bilang ka-love team. Sa huling panayam kay John Lloyd ay nakakakilig ang mga salitang binitawan niya para kay Bea.

"I'm enjoying my being single. I'm enjoying my time alone and my time with Bea because we have a lot of coping up to do. Gusto kong ma-enjoy yung getting to stage. I'm happy and I'm contented, gusto ko munang i-enjoy ito," pahayag ni John Lloyd.

Si Bea ay hindi nagsasarado ng pinto sa kung anuman ang maaaring kauwian ng nabubuong closeness nila ni John Lloyd. Hindi nito itinago and admirasyon sa kaguwapuhan, husay at bait ng kapareha. Kaya kung saan hahantong and lahat, tanging panahon at tadhana na lang ang makakapagsabi.

Source: The Buzz Magasin, August 2004
Article by: Star Buzzer ni Melba Llanera

Submitted by: Emilie




Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.