Nagkita sila, nagkaibigan, naghiwalay, at ngayo'y may bagong buhay na kasama ng ibang mga nagmamahalan sa kanila.
Pero It Might Be You pa rin ang turing nina Lawrence (John Lloyd Cruz) at Cielo (Bea Alonzo) sa isa' isa?
Iyan ang gustong malaman ng fans ng romantic teleserye na ito ng ABS-CBN, at malapit na nilang malaman ang sagot, dahil nagsimula na ang final week of episodes ng It Might Be You.
Isang nakakikilig, nakagugulat, at nakaka-touch na katapusan ang naghihintay para sa fans, lalo na sa pinakahuling episode ng It Might Be You ngayong Biyernes (Disyembre 10).
Isang taon tayong sumubaybay sa love story nina Lawrence at Cielo, at sa mga buhay ng mga taong taga-Montegracia.
Ngayong linggo, magkakatuldok na ang kanilang mga kuwento at sasagutin na ang mga tanong tungkol sa kanila.
Magkabalikan kaya sina Lawrence at Cielo, kahit pa ilang taon ding nagkuwaring mag-asawa sina Cielo at Axel (Marco Alcaraz), at nai-in love na yata si Lawrence sa kapatid ni Axel na si Aretha? Magparamdam kaya ang kanyang galit kay Lawrence si Camilo (Gardo Versoza), kahit pa nasa kulungan na ito?
Sasabihin ba ni Farrah (Lani Mercado) kung sino ang tunay na ama ni Lawrence?
Makaya na kaya ni Camilo na hayaan sa kanilang mga buhay sina Cielo at Orlanda (Jean Garcia)?
Source: Abante, Dec 7 2004
Submitted by: Karmie
Copyright © 2003-2004 -- Beautiful. All rights reserved. Hosted by Diaryland.com.